Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Social Media Artist and Celebrities SMAC
Social Media Artist and Celebrities SMAC

Tatlong bagong TV shows, mapapanood sa Net25 simula sa Linggo

TATLONG bagong TV shows mula Social Media Artist and Celebrities (SMAC) Television Production ang sisimulan ngayong Linggo sa Net25.

Ang tatlong bagong TV shows ay The Prodigal Prince na isang fictional teleserye na mala-Koreanovela pero may touch ng pagka-Pinoy, Galing Ng Pinoy na isang reality game show, at Bee Happy, Go Lucky na isang variety show naman.

Ang The Prodigal Prince ay pinagbibidahan nina VMiguel Gonzales, Justin Lee, Mateo San Juan at Isaiah Tiglao bilang sina Prince Reymund, Alfred, Joey, at Arthur. Mapapanood ito 7:00-7:30 pm.

Ayon sa direktor na si IJ Fernandez, inspired ang Prodigal Prince sa Korean novela dahil sa mga costume na ginamit ng buong cast at orihinal ang kuwento nito. “Mga Korean na nakatira sa Filipinas o tinawag na Agbaria. Tatalakayin ng kuwento ang tungkol sa pag­mamahalan, leadership, revenge, at pagpapatawad among the Prince. Magka­kapatid po kasi silang apat dito,” aniya.

Susundan ito ng Galing Ng Pinoy hosted by Matteo and Justin, 7:30-8:00pm.

Tapos, ang Bee Happy, Go Lucky na mapapanood naman sa 9:00-10:00 pm. Pawang mga kabataan ang hosts dito na sina Kikay Mikay, Rayantha Leigh, Klinton Start, Isaiah Tiglao, Ron Mclean, VMiguel Gonzales, JB Paguio, Leslie Angela at Rish Ramos.

Sure kami na lalong lulutang ang galing dito ng mga nasabing kabataan, lalo na sina Kikay Mikay, Rayantha at Klinton na nakita na namin ang mga todo-bigay at hataw na per­for­man­ces nang maraming beses na rin.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …