Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
jeepney

P12 pasahe giit ng jeepney drivers

MAAARING tumigil na sa pamamasada ang mga jeepney driver kapag hindi itinaas ng kaukulang ahen­siya ang minimum na pasahe sa gitna nang patuloy na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, babala ng transport leader kahapon.

Nauna rito, hiniling ng transport groups sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas sa P12 ang minimum na pasahe. Nitong Hulyo inaprobahan ng LTFRB ang P9 provisional fare hike.

Ang presyo ng diesel, gasolina at kerosene ay tumaas nang halos piso kada litro nitong Martes.

Bunsod nito, nakapag-uuwi na lamang ng P100 kita ang mga jeepney driver, ayon kay Zenaida Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap).

“Kung saka-sakaling hin­di pa rin nila ito aaksi­yonan, hindi man namin gus­tong gumawa ng aksi­yon, baka dumating tayo roon sa punto na tumigil na lang ang mga tsuper kasi kaunti na lang ang kanilang iniuuwi talaga,” dagdag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …