Friday , November 22 2024
Antonio Aquitania Mike Magat Victor Neri
Antonio Aquitania Mike Magat Victor Neri

Mike Magat, nanibago sa pelikulang Hapi Ang Buhay

AMINADO si Mike Magat na na­nibago siya sa peliku­lang Hapi Ang Buhay dahil sanay siya sa action or drama. Pero rito ay kumanta at sumabak sa comedy ang actor/director.

“Yup, kumanta ako… kahit ano’ng role naman, wala nang pili-pili pa, hehehe,” saad niya.

Sambit pa niya, “Actually totoo iyon, nanibago ako kasi rito ay kumakanta-kanta ka, ganoon. Hindi mo alam kung ano ang timing. Noong una nga… Hindi komo datihan ka nang umaarte, pero kapag binigyan ka ng script na ganyan at hindi mo inaral, napakahirap niyon.

“So roon lang, medyo nanibago ako talaga, inaamin ko iyon. Pero nag-enjoy ako sa pelikulang ito, dahil sa aral na mapupulot dito.”

Ang Hapi Ang Buhay The Musical ang second movie ng EBC Films na may misyon na makabuo ng mga pelikulang na­ka­pagbibigay inspirasyon at kapupulutan ng aral. Ito ay mula sa panulat at direksiyon ng award winning director na si Car­lo Ortega Cuevas. Ito’y pinag­bibidahan nina Antonio Aquita­nia, Mike, at Victor Neri.

Kahit na kilala sa maaak­siyon at madramang pelikula ang tatlong bida nito ay nagawa pa rin ni Direk Carlo na ilabas ang pagiging singer at komedyante sa kanila. Sure kami na magu­gulat kina Mike, Victor at Antonio ang manonood nitong Hapi Ang Buhay dahil ibang-iba ang maki­kita rito sa kanila kompara sa mga nagawa na nilang mga pelikula, lalo na si Victor na kailan lang ay napanood sa madugo at ma­aksiyong ‘Buy Bust’ na pinag­bidahan ni Anne Curtis.

Ang mga karakter sa peli­kula ay hango sa Net 25 TV come­dy series na Hapi Ang Buhay, na sequel spinoff naman ng Walang Take Two na idinirek din ni Carlo Cuevas.

Si Direk Carlo ay itinanghal na Best Director in Foreign Language Film sa ‘Walang Take Two’ sa International Filmmaker Film Festival of World Cinema sa London, gayondin bilang Best New Comer Filmmaker of the Year sa World Film Awards sa Jakarta, Indonesia. Ang huling pelikula ni Cuevas na ‘Guerrero’ ay nanalo naman kamakailan ng Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival at gayondin ng best Editing in Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival nitong taon.

Saad ni Direk Carlo, “Ang pinakadahilan namin kaya kami gumagawa ng mga pelikula sa EBC Films ay makapag-promote ng values. At naniniwala ako na magagawa ang pagpo-promote ng values nang hindi boring. Kaya, ginagawa namin ang ma­ka­kaya namin para makapagturo at makapagbigay ng inspirasyon nang hindi naman nakokom­promiso ang entertainment value.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *