MARAMI ang nagulat nang maglabas ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court Branch 150 sa ilalim ni Judge Elmo Alameda laban kay Senator Antonio Trillanes IV dahil sa kanyang papel sa pananakop ng Manila Peninsula noong 2007.
Pinagbigyan ng husgado ang mosyon ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng paglabas ng Proclamation No. 572 ni President Duterte na nagbasura sa amnestiya ni Trillanes. Pansamantalang nakalalaya ang senador matapos maglagak ng P200,000 piyansa.
Ayon kay Alameda, nabigo si Trillanes na kombinsihin ang korte na sumunod nga siya sa requirement ng amnesty dahil hindi siya nakapagpakita ng original hard copy, duplicate copy o kahit photocopy man lamang na makikita sa kanyang nai-file sa Department of National Defense (DND) amnesty committee ang kanyang opisyal na amnesty application form at tinanggap ito ng naturang opisina.
Pero taliwas dito ang naging pahayag ng dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief na naging senador na si Rodolfo Biazon dahil hindi raw si Trillanes ang tagapag-ingat o custodian ng hinahanap na dokumento ng husgado. Ang orihinal na kopya ay nasa pag-iingat ng custodian at hindi raw ito ibinibigay sa ginawaran ng amnesty.
Kung ibang tao ang tagapag-ingat ng dokumento ay hindi talaga ito mailalabas ni Trillanes kahit ano pa ang kanyang gawin maliban kung marunong siyang magsalamangka at maipalilitaw niya ang papeles mula sa kawalan.
Ayon kay Biazon, ang pag-aresto kay Trillanes kahit na nagawaran na ng amnestiya ay magdudulot ng problema sa Konstitusyon dahil sa kanyang pagkakaalam, kapag nagawaran ang tao ng amnesty ay mabubura na umano ang lahat ng kasong kriminal na kanyang kinakaharap.
Noong Setyembre 2011 ay dinismis na ni Judge Rita Bascos Sarabia ng Branch 148 ng Makati RTC ang 2003 coup kaso laban kay Trillanes alinsunod sa amnesty na iginawad ni President Noynoy Aquino sa kanya at sa ibang sangkot na kawal. Pero nag-file rin ng mosyon ang DOJ para maglabas ang Makati RTC Branch 148 na kasalukuyang nasa ilalim ni Judge Andres Soriano ng agarang arrest warrant laban kay Trillanes.
Habang nagtatagal ang problema ni Trillanes sa kanyang amnestiya ay hindi maiiwasang madagdagan ang mga naaawa at nakikisimpatiya sa senador. Sa tingin nila ay nais lang itong patahimikin dahil sa patuloy na pagbatikos sa administrasyon.
Ganyan naman talaga tayong mga Filipino. Natural na sa atin ang magbigay ng suporta sa mga nakikitang inaapi. Masisisi ba ang milyones na bumoto at nagtiwala kay Trillanes nang dalawang ulit para maging senador kung susuportahan pa rin nila sa oras ng kagipitan?
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View
Check Also
Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty
SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …
Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi
AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …
Gunning for amendments
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …
Seguridad ng QCitizens sa ‘Misa De Gallo’ tiniyak ni Buslig
AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …
3 araw ng Metro road deaths
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …