Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

400 patay sa tsunami sa Sula­wesi, Indonesia

MAHIGIT 400 katao ang iniulat na namatay sa 7.5 lindol na sinundan ng tsunami sa isla ng Sula­wesi, Indonesia.

Umabot sa anim na metro ang taas nang humampas na alon at inanod ang mga residente kasama ang kanilang mga ari-arian.

Nagpahayag ng paki­kiramay ang Filipinas sa kalunos-lunos na sinapit ng mga taga-Indonesia.

Naghahanda ngayon ang Filipinas sa pagpa­padala ng tulong sa naturang bansa.

Sa pinakahuling ulat, patuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad sa mga nawawala pang kababa­yan makaraan ang malagim na insidente.

Nasa 350,000 katao ang nawalan ng tirahan matapos ang napaka­lakas na lindol at tsunami na humampas sa mga gusali at umanod sa mga bahay sa baybayin ng Palu.

Linggo ng umaga, Setyembre 30, iniulat ni Indo­nesian Disaster Manage­ment Agency spoke­sman Sutopo Pur­wo Nugroho na nasa 405 katao ang kompirma­dong namatay sa insiden­te.  Mahigit din sa 400 ang malubhang nasug­atan.

Marami sa mga bik­tima ang natabunan ng mga gumuhong gusali at bahay. Naging mabagal ang paglikas sa mga residente dahil sa kaku­langan ng heavy equip­ment at mga tauhan.

Nabatid sa ulat, gumagawa ng sariling daan ang mga nakaligtas na residente dahil nata­bunan na ang kalsada ng mga bato mula sa mga gumuhong gusali.

Agad din naputol ang komunikasyon at elektrisidad kaya’t hindi agad nalaman ang lawak ng pinsala sa Palu maging sa komunidad ng Donggala.

Ayon sa pinuno ng International Red Cross ng Indonesia na si Jan Gelfand, hindi lamang mga naninirahan sa urban ang apektado ng kala­midad.  Naging mahirap din sa mga awtoridad na puntahan ang remote areas.

Sarado na ang Palu airport kaya’t guma­gawa na lamang ng paraan ang relief workers upang maihatid ang relief goods sa mga apekta­dong lugar.

Isa ang Sulawesi sa pinakamalaking isla sa buong mundo at umaa­bot sa 10-12 oras bago makarating sa pinaka­malapit na paliparan nito.

Samantala, nakiusap ang pamahalaan sa mga residente na huwag pu­masok sa kanilang mga bahay at gusali.

Sirang-sira rin ang mga ospital kaya’t gina­gamot ang mga biktima sa labas ng gusali.

Kasunod nito, nana­wagan sa publiko si Dr. Komang Adi Sujendra, Director ng Undata Hos­pital sa Palu  na mag­tulong-tulong upang magamot ang mga nasu­gatan sa insidente.

 (JAJA GARCIA)


Only Pinoy sa Central Sulawesi, ligtas
Only Pinoy sa Central Sulawesi, ligtas
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …