Friday , November 22 2024
Sister Patricia Fox
Sister Patricia Fox

Sr. Patricia Fox humihirit pa rin sa BI

TILA hindi pa tapos ang pakikipaglaban ni Australian nun and missionary, Sr. Patricia Fox, sa Bureau of Immigration (BI) matapos niyang maghain ng kanyang apela sa pagkaka-deny ng kanyang missionary visa.

Kumbaga sa blackjack, bokya na ay humihirit pa rin ang pobreng madre.

Matatandaan na ibinasura ng Bureau ang kanyang dating apela matapos i-revoke ng ahensiya ang kanyang visa dahil sa sandamakmak na kasong isinampa laban sa kanya.

Naging popular ang madre nang siya ay hulihin ng mga ahente ng BI matapos paratangan na sumasali sa ilang protesta at gawaing politikal na kumokontra sa kasalukuyang administrasyon.

Mismong ang Pangulo ng bansa desmayado sa ginagawa ni Sr. Fox.

Matapos mabunyag ang ganitong gawain ni Sister Fox, agad na naglabas ng “mission order” laban sa madre at inaresto sa kanyang pinagka­kanlungan sa Quezon City.

Naghain siya ng kanyang apela ngunit maka­ilang ulit na-deny at inisyuhan ng deportation order mula sa ahensiya.

Ang ipinagtataka natin, bakit gigil na gigil si Sr. Patricia na manatili sa bansa gayong mismong mga awtoridad ang nagsasabi na kailangan na niyang lumisan?!

Nakapagdududa tuloy kung ano ang totoo niyang pakay. Lalo pa’t tumitibay ang hinala ng nakararami sa kanyang mga ginagawang pagsali sa ilang rally at protesta kasama ang mga ‘kaliwa.’

Ano po ba kasi ang mayroon sa Filipinas, at hindi maiwan ni Sister?

Mayroon bang hindi maiwan?

Marami na rin namang alagad ng Diyos o mga tagapagsilbi ng nasa itaas pero lumalabas ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mahihirap na hindi gaya ni Fox na hayagan pang ipinakikita ang kanyang pagkontra sa pamahalaan!

The thing is, she is a foreigner at hindi tunay na Filipino.

Susme, ina ng awa!

Onli in da Pilipins!

Sa ibang bansa ba gaya sa Malaysia, Singa­pore, Hong Kong o maging sa Gitnang Silangan uubra ba ang ganitong mga aktibidad?

Of course not!

Sa nabanggit na mga bansa, pinakama­babang parusa sa ganyang gawain ay kulong o ‘pag mas malala pa ay bitay.

Sa ganang atin dapat lang ipakita ng mga tagapagpatupad ng batas na “firm” o hindi malamya ang kanilang desisyon lalo pa’t ang seguridad ng bansa ang pinag-uusapan.

Sa ganitong kaso, na ang isang banyaga ay harapan o hayagang kinokontra o kinokondena ang pamahalaan ay hindi kaiga-igaya sa mata ng mga karatig-bansa.

Nagmumukha tayong katawa-tawa kung hayagan ang kabastusan sa atin ng isang banyaga na nakatuntong pa man din sa ating lupa.

Dapat maunawaan ng mga banyaga na may limitasyon ang kanilang mga karapatan sa pananatili sa ibang bansa lalo’t seguridad nang nakararami ang apektado!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap


Walang nanlalaban sa PDEA anti-illegal drug operations
Walang nanlalaban sa PDEA anti-illegal drug operations
Mas gusto ang Martial Law noon
Mas gusto ang Martial Law noon
Tanod ‘tagay’ sa barangay 315 z-32 Manila
Tanod ‘tagay’ sa barangay 315 z-32 Manila
Garahe sa bibili ng sasakyan at sobrang trapik
Garahe sa bibili ng sasakyan at sobrang trapik

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *