Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathy Dupaya Joel Cruz
Kathy Dupaya Joel Cruz

PEP.PH nakoryente nga ba sa istorya nila sa negosyanteng si Kath Dupaya?

LAST September 21 ay nakabalik na sa Brunei ang kontrobersiyal na negosyanteng si Madam Kath Dupaya at kapiling niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan para sa 53rd birthday celebration ng husband na si Mhar.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na nitong September 21 ay inaresto si Madam Kath sa kanyang condo unit sa Taguig dahil sa kasong grave oral defamation na isinampa sa kanya ni Mr. Joel Cruz at na-detained nang ilang oras sa Taguig police station at nakalabas din kaagad dahil mabilis na nakapaglagak ng piyansa ang mga abogado niyang sina Atty. Osias Morales Merioles at Atty. Galindez.

Kuwento ni Madam Kath, alam niyang isa lamang ito sa mga harrassment na mararanasan niya sa kampo ni Joel Cruz pero kanyang pinaaalahan ang perfume magnate na huwag magpakasiguro na lusot na sa kanyang akusasyon na isa umanong tax evader.

Sa katunayan ay nakatanggap na siya (Kath) ng liham mula sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pirmado ni ASEC Jaime Llagu­no Mabilin na nag-uutos kay BIR Commissioner Cesar R. Dulay na umpisahan nang imbestigahan ang sumbong ni Madam Dupaya laban kay Joel. Idinaan ang nasabing liham sa isa sa mga masisipag at maasahang legal counsel ni Dupaya na si Attorney Galindez.

Samantala nagtataka raw ang Brunei based businesswoman kung bakit pinag-iinitan siya ng PEP, na obyus raw na masyadong panig kay Joel Cruz.

“Ano kaya news ng PEP.PH sa akin today, tomorrow at sa susunod at masyado tutok sila sa akin ‘di nsman ako artista…” ani Madam Kath na may shoutout sa kanyang FB account na “madam kathy is very, very, very fine as in alphine…”

Ganyan katindi ang reaksiyon ni Madam Kath sa PEP.PH lalo’t feeling niya ay naging unfair ang nasabing showbiz website sa kanya na nag-post last Sept. 21 na naka-detain pa rin siya sa presinto ng Tuktukan Taguig, samantala noong araw na iyon ay nasa NAIA na siya para sa kanyang flight pabalik ng Brunei.

So sa PEP, please check your facts nang hindi kayo makoryente.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …