Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mojack
Mojack

Mojack, busy sa promo ng single niyang Katuga

NAKATUTOK ngayon ang magaling na singer/comedian na si Mojack sa promo ng single niyang Katuga. Si Mojack ay nasa Lodi Records na at ang Katuga ang unang single niya rito. After ng tour niya sa Bicol, tuloy-tuloy siya sa promo nito.

Saad niya, “Busy po ako sa pagpo-promote ng aking single/album na ‘KATUGA’ under Lodi Records, sub-label siya ABS CBN Star Music. Sa ngayon po ay puspusan na rin ang rehear­sal namin ng aking grupong banda, ang Indi Pen de Mojack.

“Sobrang masaya po ako nang malaman ko na isa na ako sa Lodi artist sa tulong ng ating magaling na singer, rapper, composer na si Blanktape. Nang iharap niya ako sa mga big boss ng Lodi Records ay nagustuhan nila ang aking estilo sa pag­kanta.”

Recently ay nag-guest din si Mojack sa Medyo Late Night Show with Jojo A. at kinanta niya ang KATUGA. “Dito ko po unang kinanta ang single album kong KATUGA live na ang ibig sabihin po ay KAin, TUlog, GAla para po sa mga ayaw po kumilos at umaasa na lang po sa mga pamilya nila, hahaha! Galaw-galaw naman po tayo para sa future at huwag masyadong umasa sa pamilya.

“Salamat din sa isang kai­bigan na ipinamana niya sa akin ang kanyang kanta, ‘di ko na lang po sasabihin kung sino po siya dahil siya po ay nasa langit na,” aniya.

Fast song ba ang KATU­GA? Tugon ni Mojack, “Opo, ito po ay danceable na puwede pong sayawin gaya ng zumba, ito po ay reggae-novelty… Natutuwa nga ako sa isang DJ News anchor ng isang radio station (Big Sound FM) dahil bukod sa pinatutugtog niya ay ginawa pang background music niya ang KATUGA, habang pinagsasabihan niya on air ang mga tatamad-tamad na sam­bayanan.

“So, nakakataba po talaga ng puso kaya nagpapasalamat din po ako sa todong suporta ni sir Weng dela Peña at salamat din po pala sa kapamilya ko rati, ang Brigada News FM National at nakapasok na rin po sa playlist nila ang aking awitin. Specially sa Batangas, salamat po Mam Leo and Sir Angel ng Brigada.

“Salamat din po sa Castar Production Talent Management for guesting me sa One Dream Fashion show, kay Mr. and Mrs. Corbito, thanks po,” wika pa niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …