Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)

Bumalik sa bansa kamakailan ang controversial na businesswoman na si Kath Dupaya at ilang araw lang  siyang nag-stay at agad bumalik sa Brunei dahil sa mga nego­syong naiwan.

Nang makausap namin si Madam Kath, sa kanyang condo sa Taguig ay nanindigan siya sa kanyang bintang na ‘tax evader’ ang nego­siyanteng si Joel Cruz.

At masaya raw siya (Dupaya) dahil unti-unti nang ng nagkakaroon ng linaw ang reklamo niya kay Joel dahil aaksiyonan na ito ng BIR at ng opisina ni SAP Bong Go.

“Matibay ang lahat ng ebidensiyang hawak ko lalo na ‘yung report na daily income sa kanyang Afficionado at galing mismo ito sa kanyang company ng pabango.

“Sobra niyang minaliit ang pagkatao ko at ipina- media niya ako at ipinahiya sa publiko. Ang hakbang kong ito ay hindi upang maghiganti sa kanya kundi gusto ko lang maisiwalat ang ginagawa niyang pandaraya sa pagbabayad ng hindi tamang buwis?” pahayag ni Madam Kath ukol kay Mr. Cruz.

Hindi rin siya naniniwalang number one tax payer ang isa pang kompanya ni Cruz sa Bulacan. Bago pala nagbiyahe pa-Brunei ang negosiyante ay dumaan muna sa BIR national office sa QC, at nakatanggap rin siya ng tawag mula sa kilalang government official sa Malacañang.

Sa mga hindi raw naniniwala kay Madam Kath sa bintang niyang isang ‘tax evader’ si Joel Cruz, kapag napatu­nayan raw na hindi siya nagsasabi ng totoo ay nakahanda siyang harapin ang parusang ‘death penalty’ sakaling ipataw ito sa kanya.

Bukas po ang aming pahina para naman sa panig ni Mr. Joel Cruz o ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live
Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live
RS Francisco super husay na stage actor
RS Francisco super husay na stage actor
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …