Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gelli, ‘di kayang nakatengga lang

FULL circle na matatawag ang TV career ni Gelli de Belen.

Nagalugad na kasi niya ang mga major network, at sa bandang huli’y muling bumagsak sa…

Huling napanood si Gelli sa magkasunod na teleserye sa ABS-CBN, the last being in FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi rin nagtagal ang exposure roon ni Gelli. Kung sabagay, puwede namang wala ang karakter niya roon at tatayo pa rin ang istorya, o never-ending saga ba ang dapat itawag doon?

At kailan pa ba ‘yon? Matagal-tagal na rin.

For a working parent like Gelli, can’t afford siyang nakatengga ng walang ipangtutustos sa kanyang pamilya. Pero higit namang sayang kung nganga ang career ng aktres dahil sa kanyang kalibre.

Pero kung bakit bumalik siya sa GMA ay sidebar sa item na ito.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na hindi lang si Gelli na mula sa ABS-CBN ang lumipat o lilipat pa lang sa GMA. Hindi ba’t nauna na ang kanyang kaibigang si Carmina Villaroel at ang kambal nila ni Zoren Legaspi?

Ewan kung may bahid ng katotohanan ang tsikang ‘yon sa amin, pero may namumuong tensiyon daw sa lahat ng talents sa ABS-CBN.

Ang CorpCom head na si Kane Choa ang makasa­sagot ng mga iisa-isahin naming tanong.

Among the three major TV stations, pinakamataas ang advertising rates ng ABS-CBN, pero ang tsismis ay nagkakaroon daw ng problema ang Kapamilya Network sa pera.

Kaugnay nito, gaano katotoo na nagsisiguro na ang mga advertiser dahil sa nakaambang non-renewal ng prangkisa ng estasyon na alam naman nating pinag-iinitan ng kasalukuyang administrasyon?

Ang paglipat ba ni Gelli sa GMA at ang napipintong exodus ng marami pang artista roon ay may kaugnayan sa magiging kapalaran ng ABS-CBN?

So, ang ibig bang sabihin ay ang ABS-CBN lang ang namomroblema, at ang GMA ay kampante lang?

Ang tsika, ang pinoproblema naman daw ng Kapuso Network ay kung paano pa nila ia-accommodate considering na marami na ngang homegrown talents doon ang kailangang bigyan ng trabaho, tapos ay tatambakan pa sila?

May ripple effect siyempre ang sitwasyon kung sakaling maipasara ang ABS-CBN. Natural, apektado pati ang mga kapatid nitong kompanya.

At sa inaasahang rigodon, tanging GMA lang ang kanilang masisilungan. Obviously, walang “future” na naghihintay sa kanila sa bakuran ng TV5.

Back to Gelli, nagsiguro rin kaya ang humahawak ng kanyang career? Obyus ba?!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …