Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Biktima si Jurado ng mga sulsol kay Digong

SA totoo lang, meron talagang nakapalibot na mga sulsol kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.  At huwag magkakamaling banggain o hindi magpasintabi sa nasabing grupo dahil tiyak na may paglalagyan ang sinomang magta­tangkang subukan ang ‘asim’ nila sa pangulo.

Ang ‘sulsol group’ ay marami nang naging biktima sa loob ng administrasyon ni Digong. At kamakailan, matapos bumulong ang ‘sulsol group’ kay Digong, halos lahat nang nasa pamunuan ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) ay nasibak sa kanilang puwesto.

Kung minsan, masasabi tuloy na parang hindi na nag-iisip si Digong. Hindi natin alam kung ano ang ipinakain ng ‘sulsol group’ kay Digong dahil kahit na intriga ang sasabihin naniniwala kaagad ang pangulo.

Hindi lamang ang pamunuan ng NPF ang naging biktima ng ‘sulsol group’ kundi pati ang Government Corporate Counsel na si Rudolf Jurado. Isa rin daw si Jurado sa responsable sa kasunduang pinasok ng NPF sa Landing Resorts Philippines Development Corporation (LRPDC).

Nagsimula ang kontrobersiya bunsod ng $1.5 bilyong casino theme park na ang LRPDC, isang local subsidiary ng Hong Kong-based Landing International, ang inaasahang magtatayo sa lupa ng NPF.

Ipinagpipilitan nitong si Digong, marahil sa impluwensiya ng ‘sulsol group,’ na 75 taon ang ginawang pagpapaupa ng lupa ng NPF sa LRPDC.  Pinayagan daw ito ni Jurado sa kabila ng katotohanang ang pinal na lease contract ay 25 taon lamang.  Mahirap bang intindihin ‘yon?!

Pati si Chairperson Patricia Ocampo ng NPF ay mariing pinabulaanan ang mga pahayag ni Digong at inilinaw na 25 taon ang kasunduan base sa legal opinion ni Jurado noong 9 Marso 2018.

Nang medyo nagigipit na ang argumento ng Malacañang, mabilis na kumambiyo si Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing sa ginawang review ng pangulo nakita umanong mayroong problema sa nasabing kasunduan dahil wala itong public bidding.

Pero alam kaya ni Digong na ang Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations (GCG), sa ilalim mismo ng kanyang tanggapan, ang nagbasura ng pagsasagawa ng public bidding?

Paliwanag ni Jurado, “Bakit nila ini-revoke at ibinasura ang public bidding? In view of the revocation of the GCG memorandum Circular N0. 2013-03, we opine that the proposed lease is no longer required to undergo public bidding.”

Lumalabas na biktima nga ng intriga ng ‘sulsol group’ ang mga opisyal ng NPF kabilang na si Jurado. Maliwanag na nabigyan ng ‘false information’ si Digong sa usapin ng NPF at LRPDC.

Nakatatakot at mapanganib ang ‘sulsol group’ dahil tiyak na marami pa silang sisiraing mga tapat na empleyado na nagtatrabaho sa gobyerno. Kailangang maging matalino si Digong, at hindi dapat na naniniwala sa mga ‘bulong’ ng malalapit niyang kaibigang nakapuwesto sa kanyang administrasyon.

‘Ika nga… “ang taong naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili!”

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *