KAMAKAILAN, 34 Chinese national na nagtatrabaho sa isang construction site malapit sa SM Mall of Asia ang hinuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division.
Pawang mga turista raw nang dumating sa bansa ang mga tsekwa at pawang may background na construction workers.
Sino kaya ang sumalubong sa mga kamoteng ito sa airport? Hindi kaya si Rico mambo?
Hindi rin sila nag-apply ng kanilang Special Working Permit (SWP) galing sa ahensiya kaya talagang illegal ang kanilang paghahanapbuhay sa bansa.
Batay sa kasalukuyang batas, ang isang banyaga na nagnanais magtrabaho sa ating bansa ay kinakailangan munang kumuha ng kanilang Alien Employment Permit (AEP) sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung mahigit anim na buwan silang magtatrabaho rito. Pagkatapos ay kailangan din nilang mag-apply ng 9(g) commercial visa sa BI bago sila maghanapbuhay.
Sa short term jobs naman o ‘yung may mga panandaliang trabaho na tatagal lang ng isa hanggang tatlong buwan ay puwede munang mag-apply ng SWP sa BI.
Ang hindi natin maintindihan ay kung bakit mas gusto ng mga employer nila na maka-menos sa pagbabayad sa gobyerno na kapag nabulilyaso naman ay mas malaki pa ang penalty (administrative fine) na kanilang babayaran!
Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato “Jun” Manahan, isinagawa ang raid noong nakaraang Martes ng umaga sa kanilang job site sa Macapagal Blvd Pasay city.
Actually, hindi lang diyan sa construction site na ‘yan maraming illegal na nagtatrabahong tsekwa.
Naglipana rin sila sa mga restaurant, grocery store, mining, malls, spa, casino at lalo ang mga illegal casino online na wala rin permit galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)!
Nagiging kalaban din sila ng mga kababayan nating Pinoy pagdating sa job placement!
Sana ay pag-ibayuhin pa ng BI Intelligence Division ang kanilang paghuli sa mga tila kabuteng establishments ng mga tsekwa at Koreano na nagsusulputan diyan sa kamaynilaan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap