Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P20.4-M shabu nasabat sa Maynila

KOMPISKADO ang tinatayang P20.4 milyon halaga ng ilegal na droga sa isang 25-anyos lalaki sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Maynila, nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa ulat, dakong 3:20 pm nang ikasa nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit, Region 3 Drug Enforcement Unit (RDEU) at Manila Police District (MPD), ang buy-bust operation sa Sogo Hotel sa kanto ng Mabini St. at Quirino Avenue sa nasabing lungsod.
Arestado sa nasabing operasyon ang suspek na si Ryan Tomawis, residente sa City Land, Bangcal, Makati City, nakompiskahan ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu.
Nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa room 164 ng nasabing hotel.
Ayon sa mga awtori-dad, ang suspek ang responsable sa malaking bentahan ng droga sa Metro Manila at karatig-probinsiya at matagal nang target ng pulisya.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …