Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Negosyante, prof patay sa ambush

PATAY ang isang nego­syante at isang propesor makaraan silang pagba­barilin habang pasakay sa sasakyan pagkagaling sa isang restaurant sa Dagupan City, Panga­sinan, kamakalawa.

Ayon sa ulat, ang isa sa mga biktima ay minsan na ring tinambangan noon ngunit nakaligtas.

Kinilala ang mga biktimang sina Johnny Baniqued, 47, nego­syan­te, at Oscar Fernandez, propesor sa isang uni­bersidad sa Dagupan.

Habang sugatan ang isa pa nilang kasama na nagpapagaling sa ospital.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang tatlong biktima habang pasakay sa sasakyan mula sa isang restaurant sa Brgy. Tapuac nang paputukan sila ng hindi kilalang suspek na armado ng .45 kalibreng baril.

Blanko ang pulisya sa posibleng motibo at kung sino ang responsable sa krimen.

Isang special investi­gation task group ang binuo para tutukan ang kaso.

Napag-alaman sa pu­lisya, nakaligtas sa pama­maril si Baniqued noong 2015, kaya aalamin ng mga awtoridad kung may koneksiyon ito sa nangyaring krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …