Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Magat
Mike Magat

Mike Magat, maghahandog ng libreng acting workshop

BILANG tulong sa mga nagangarap na maging artista, magbibigay si Mike Magat ng libreng acting workshop.

Ayon sa actor/director, ito ay para lamang sa mahihilig mag-artista at seryosong pasukin ang mundo ng showbiz.

Esplika niya, “Gusto ko lang makatulong sa mga katulad ko rin na nangarap noong panahon na wala rin akong pang-enrol sa acting workshop. Ito na ‘yung gift ko sa birhday ko this Sep­tember, na makapag-share man lang ng blessings sa kapwa na may pangarap din sa buhay.

“Marami kasing gustong umaarte na hindi nila mailabas ang kanilang talent dahil sa kawalan nang pangmatrikula, para mag-enrol.

“Pero sa mga mapipili ko, sila iyong wala nang bayad, pero kailangan nilang mag-sign ng contract sa mga gusto talagang pasukin ang showbiz. Lalo na ngayon na may sarili na akong production na pang-international release.”

Kaya masuwerte ang mapipili rito dahil may libre nang acting workshop, may project pa agad. “Yes, napakasuwerte nga, basta makita ko lang talaga na seryoso at may pangarap talaga sila. Ito na ‘yung magbu­bukas sa kanila ng pinto para sa chance na makapasok sa show­biz,” pakli ni Mike.

Dagdag niya, “Basta lang, kailangan silang maging profes­sional at may good moral at walang attitude. Kaya daraan pa rin sila sa test, mahalaga kasi talaga ang mga bagay na ito, e.”

Ilan ba ang kukunin niya sa kanyang acting workshop? “Basta kung ilan lang ang magustuhan natin, wala namang limit iyan at alam naman natin kung puwede talaga silang maging artista o hindi.”

Si Mike ay napapanood ngayon sa TV series na Contessa sa GMA-7. Marami rin siyang proyektong pinaplano at kasalukuyang tinatapos ang international movie na Turista na siya mismo ang bida at director.

Target ni Direk Mike na magsimula ang naturang free acting workshop asap. Magaga­nap ito every Sunday at tatakbo hanggang September 16. Para sa mga interesado, mag-email sa [email protected]. Ang mapipili rito ay posibleng makasali sa international movie na Turista.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Ria Atayde, kinilig kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
READ: Ria Atayde, kinilig kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …