Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P2 refund ng Grab sa pasahero dapat ipatupad ng LTFRB — Nograles

HINIMOK ni Rep. Jericho Nograles ng PBA Party-list ang Land Trans­por­tation Franchising Regula­tory Board (LTFRB) na ipatupad ang kanilang kau­tusan sa Grab na ibalik ang ilegal na P2 singil sa mga tumatang­kilik dito.

Si Nograles ay nag-umpisa ng imbestigasyon sa Kamara kaugnay sa umano’y ilegal na singil ng Grab.

Naghain ang mga driver ng Grab ng P5-milyong danyos laban kay Nograles sa kadahilanang ang kongresista ang nag-udyok  sa LTFRB na isus­pende ang paniningil nila ng P2 kada minutong bayad habang nakasakay ang pasahero.

Ani Nograles, ang paghahain ng P5-milyong kaso laban sa kanya ay nagpapakita na despe­ra­do ang Grab para buwel­tahan siya sa utos ng LTFRB na magmulta at ibalik sa mga pasahero ang P2 charge.

Hindi aniya siya na­sor­presa sa ‘pagkaganid’ ng kompanyang nagkoko­lekta ng imoral na komi­s-yon sa mga driver nito.

Sa isang liham, sinabi ni Marvin de Belen, isang driver at operator ng Tran­sport Network Vehicle Service, apat na buwan na po masus­pende ang P2 per minute fare mula sa kita naming mga TNVS drivers.

“Sinubukan naming habaan ang aming oras sa kalsada para mapunuan ang kakapusan sa aming kita simula nang inire­klamo ni congressman Jericho “Koko” Nograles ang time component sa pasahe na malaking tu­long sa aming mga driver,” ani Belen.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …