Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tatay Digong walang bilib kay Mader Leni

SA pagpapahayag ng kanyang labis na pagkadesmaya sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na parang gus­to niyang magbitiw sa puwesto.

Pero… may isang malaking pero… ayaw niyang si VP Leni Robredo o Mader Leni ang humalili sa kanya para maging presidente.

In short, bokya kay tatay Digong si Mader Leni.

Mas gusto raw niyang ang pumalit sa kanya ay si dating senador Bongbong Marcos o kaya si senador Chiz Escudero.

Ay sus!

Sabi nga niya, mas gusto pa niyang magkaroon na lang ng military junta kaysa humalili sa kanya si Mader Leni.

E siyempre allergic ang mga ‘makabayan’ sa militar kaya rumepeke na naman ng mga puna at batikos laban sa ideya ng Pangulo.

At kapag may rumerepekeng ‘makabayan’ siyempre mayroong ‘makikiuso.’ Natural na luma­hok ang mga yellowtards lalo na kung military junta ang pinag-uusapan.

Federalismo nga lang, allergic na sila, military junta pa kaya?!

Anyway, isa lang naman ang gustong sabihin ng Pangulo, ginagawa niya ang lahat para sug­puin ang korupsiyon, sana naman ay supor­tahan siya ng mga nagsasabing sila’y nagma­mahal sa bayan.

Oo nga naman.

Magkaiba man sila ng paniniwalang pampo­litika, hindi ba puwedeng suportahan nila ang matinong kampanyang isinusulong ni tatay Digong?!

‘Yan tuloy, parang maagang nakakaramdam ng pagkapagod ang Pangulo.

Aba pumapasok pa lang ang kanyang admi­nistrasyon sa ikatlong taon, mahaba pa ang laban.

Ano nga kaya ang mangyayari kung biglang magbitiw ang Pangulo?!

Wait and see na lang ba talaga?

PALPAK ANG PRIME
WATERS SA SAN JOSE
DEL MONTE

MAGANDANG umaga po sir Jerry, maaari po ba ninyong bulabugin ngayon ang Prime Waters? Walang po kming tubig simula po kahapon, hindi npo ako nakapasok now. Dito po kmi nakatira sa Estrella Homes, Barangay Gayagaya. First time po na nawalan ng tubig na umabot sa 24 oras. Ito po ay nangyari lamang mula nang ma­ging Prime Waters na ang namahala. Tulungan po ninyo kami.

                                          Gumagalang po,
                                          Ama— Ad—no.

LTFRB REGION 4
OFFICIAL MAY
TAGONG YAMAN

MAY sumbong po ako kay Pres. Duterte. Isang opisyal ng LTFRB REGION 4 ang dapat ipa-lifestyle check ang yaman. Malaki ang bahay at bago ang mga sasakyan.

+63921415 – – – –

Marami po cya talaga nakukuha pera sa komisyon sa insurance at notary. May tongpats sa mga kolorum van. Kada folder na pumapasok sa opisina niya may pera involved. Dapat sibakin ni Duterte ang ganid na ‘yan. Sana po ma­aksiyonan na.

+63921415 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …