Sunday , December 22 2024

Problemang shabu tuldukan

PATULOY ang masin­sinang pagtutok at pag­tugis ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa ipinag­babawal na drogang shabu at sa mga de­mon­yong nagpapa­kalat nito.

Akalain ninyong kama­kailan lang ay natuklasan ng PDEA ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.3 bilyon na itinago sa dalawang magnetic scrap lifters sa loob ng isang container sa Manila International Container Port (MICP) na malamang ay inaban­dona dahil sa pangamba na mahuli ito ng mga awtoridad.

Dahil nakatago sa magnetic lifters ay hirap ang mga K9 dogs na maamoy ang ilegal na droga mula sa labas ng container.

Nakuha ng PDEA ang pangalan ng kompanya na dapat sana ay tatanggap nito at pati na ang nagmamay-ari nito na kanilang ipatatawag at hihingan ng paliwanag sa ilegal na kargamento. Sisilipin din nila kung may katotohanan na ang may-ari ng kompanya at ang grupo nito ay sangkot sa pag-aangkat ng shabu sa bansa sa loob nang ilang taon ngunit patuloy na nakalulusot at hindi nahuhuli.

Ang kontrabando ay dumating sa bansa noong 28 Hunyo 2018 mula Malaysia pero naniniwala ang mga awtoridad na nanggaling ito sa China. Inaalam din ng ahensiya kung sangkot ang mga kilalang sindikato tulad ng Bamboo Triad, 14K o Hong Kong Triad sa naturang shipment.

Tinututukan ngayon ni PDEA chief Aaron Aquino at ng kanyang mga tauhan ang posibilidad na may lima pang ibang shipments ng shabu na posibleng nakalusot sa Bureau of Customs. Nakatanggap kasi sina Aquino ng impormasyon na maaaring anim na container ang pinaglagyan ng droga.

Ngayon pa lang ay pinupuri na natin ang PDEA dahil sa walang humpay nilang pagtugis sa ilegal na droga. Pero upang tuluyang mawala ang pagdududa nino man na baka pinakikinabangan ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga nakokompiskang bawal na droga ay makabu­buting ipakita sa publiko ang gagawing pagsunog sa shabu. Hindi maiiwasang may magduda na baka ma-recycle lang ang nakompiskang droga at maibenta pa rin sa mga adik.

Higit sa lahat, makabubuting magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy kung sino man ang nagparating ng droga at pati na ang walang konsensiyang nakatakda sanang tumanggap nito.

Hindi maitatanggi na malalim na ang implu­wensiya na naitanim ng ilegal na droga sa halos lahat ng barangay sa bansa. Dapat maputol nang tuluyan ang pinag-uugatan ng droga kung nagmumula ito sa abroad o ginagawa lang dito sa atin. Ilang buhay at kinabukasan na ang gumuho at nawasak bunga ng ipinagbabawal na droga kaya dapat itong tuluyang matuldukan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *