Friday , November 22 2024

Lola, lolo nalunod sa Kyusi

READ: Bangkay inanod sa Marikina
READ: Baha sa Metro Manila humupa na: Red alert nakataas pa rin — NDRRMC
READ: P120-M ayuda sa sinalanta ng baha

NALUNOD ang dala­wang matanda sa matin­ding pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng habagat sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Gloria Borlongan Mendoza, 61, biyuda, nakatira sa 104 Capitol Hills, Old Balara, Quezon City, at Gregorio Quilaton, 55, mekaniko ng EEI Corpo­ration, at residente sa Kapayapaan Village, Karangalan, Pasig City.

Ayon sa imbestiga­s-yon ni PO1 Morshid Tanog ng Criminal Inves­tigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), natagpuan ni Feliciano Tavero ang bangkay ng matandang babae dakong 3:45 pm sa PV Kalaw, Tierra Pura Homes sa Brgy. Culiat, Quezon City sa tabi ng isang metal pipe, habang nakalubog sa baha.

Ang biktima ay may malaking sugat sa noo at mga sugat sa katawan. Hinihinalang napatid sa tubo na nakalubog sa baha ang matanda.

Ayon report, dakong 3:00 pm habang kasag­sagan ng malakas na ulan sa Brgy. Old Balara ay nakitang tumatawid sa Sapang Kangkong si Mendoza.

Samantala, natag­puan ni Jhonel de Juan ang bangkay ni Quilaton na inaanod sa baha sa kanto ng Sto. Domingo Avenue at Samat St., Brgy. Sto. Domingo dakong 2:30 am kahapon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *