Friday , November 22 2024

DENR nakatutok sa Boracay rehab (CAAP Kalibo Airport nganga pa rin!?)

READ: Hindi federalismo kundi mga babae ang binastos: Asec. Mocha nalaglag yata at naapakan ang kanyang ‘kukote’

OPISYAL na nga raw na bubuksan sa madla sa darating na 26 Oktubre 2018 ang isla ng Boracay.

Ito ang statement na binitiwan ni Department of Environment and Natural Resources Roy Cimatu kamakailan matapos ang anima na buwang rehabilitasyon nito.

“I would like to say categorically that we will be opening Boracay on October 26,” ito ang pangakong binitawan ng Kalihim sa mga miyembro ng House Committee on Natural Resources sa kanilang naganap na meeting.

Kasalukuyang nagsasagawa ng update ang mga miyembro ng kamara kaugnay ng mga natapos na impovements at rehabilitasyon nito.

Ayon din kay DENR Assistant Secretary Joan Lagunda, natapos na raw nila ang paglalagay ng mga social safety nets, livelihood and employment assistance na magsisiguro sa pangangalaga ng kalusugan at kalinisan ng isla.

Nagawa rin daw nila na solusyonan ang magiging traffic sa lugar sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tamang batas, pakikipag-ugnayan sa stakeholders at mga mamamayan ng isla para sa tamang estratehiya ng komu­nikasyon, at tamang ecosystem rehabilitation at iba pang recovery program.

Ipinag-utos din ng DENR sa mga katabing komunidad na panga­lagaan ang kanilang nati­tirang kagubatan at proteksiyonan para na rin sa kanilang kapakanan at hindi na maulit pa ang pang-aabuso sa lugar.

Sa dami ng nai-discuss na bagay na teknikal ng mga opisyal ng DENR, inaasahan na tuluyan nang maibabalik ang kagandahan at kaa­yusan ng isla.

Ayos ka DENR Sec. Roy Cimatu!

Samantala, kumusta naman kaya ang reha­bilitasyon ng Kalibo International Airport (KIA)?

Magtatatlong buwan na pero bakit tila ang building lang ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ipinagagawa?

Hanggang ngayon ay wala pa rin daw inaayos sa airport at tanging ang opisina ng Bureau of Immigration ang tanging gumagawa ng sarili nilang improvements at rehabili­tasyon?

Makailang ulit na nating kinalampag ang Kalibo-CAAP sa bagay na ‘yan bunsod din ng mga reklamo nating natatanggap tungkol sa luma o outdated nilang pasilidad.

Ito ay kahiya-hiya sa mata ng hindi kom­por­tableng mga turista!

Balita natin ay puro karate lessons at mas­sage training ang ginagawa ngayon sa nasabing airport!?

Susmaryosep!

Sino ba ang pinaghahandaan nila at martial arts ang pinagagawa sa mga tao riyan?

Gagawin bang arena ng Mixed Martial Arts ang KIA?

Sandali lang at magbubukas na ang Boracay pero hanggang ngayon ay wala pa yata kayong nagagawang pagbabago sa airport terminal?

Hindi komo tag-ulan ay puwede na kayong matulog sa pansitan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *