Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Preacher arestado sa Basilan van blast

READ: Metro Manila isinailalim sa heightened alert status

LAMITAN CITY, Basi­lan – Arestado nitong Miyerkoles ang isang preacher o ustadz na hinihinalang responsable sa pagsabog sa isang van sa Basilan na ikinamatay ng 10 katao at marami ang sugatan noong Martes.

Ang suspek na si Indalin Jainul, 58, ay ina­resto sa illegal possession of explosive makaraan matagpuan sa kanya ang isang fragmentation gre­nade.

Pagkaraan ay isi­nang­kot siya sa pagsabog ng isang van sa isang checkpoint noong Martes.

Karagdagang mga kasong multiple murder, at multiple serious physical injuries ang muling ihahain kay Jainul.

Samantala, itinanggi ng mga kaanak ni Jainul ang mga akusasyon laban sa suspek.

Sinabi ng kanyang pinsan na si Jahra Sattra, nawala noong Martes si Jainul, ang araw nang maganap ang pagsabog, at nabatid nitong Miyerkoles na siya ay nakapiit sa Lamitan City Police Station.

Bilang ustadz, si Jainul ay nagtuturo rin sa Madrasah o Islamic school sa kanilang bara­ngay.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …