Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suarez inilaglag ng ‘sariling boto’

READ: GMA tatapos ng away sa minorya — Suarez

ANG boto at pagsuporta ni Quezon Rep. Danilo Suarez kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kudeta niya laban kay dating speaker Pantaleon Alvarez ang sanhi ng kanyang pagka­kaalis bilang pinuno ng minorya, ayon kay Calo­ocan Rep. Edgar Erice.

Hindi umano ang pagkamalapit ni Suarez kay Arroyo ang kinuku­wes­tiyon, dagdag ni Erice.

Giit ni Erice, malinaw ang Section 8 at 11 ng House Rules na ang lahat ng bomoto sa nanalong speaker ay magiging parte ng mayorya.

“Ang boto niya (Suarez) kay Arroyo ang nagluklok sa kanya sa mayorya,” ani Erice.

“Paano magiging minority leader ang isang miyembro ng majority?” tanong ni Erice.

Ayon kay Erice sina­sabi sa Section 8 at 11 ng House Rules na ang mino­rity leader ay pinagbobo­tohan ng mga miyembro ng minorya.

“Paano magiging lider si Suarez ng isang grupo na hindi naman siya miyembro?” ani Erice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …