Sunday , December 22 2024

Plantsadong balakin?

KUNG ikokompara sa sport na boxing ay ma­s­asabing nagwagi na si dating President Gloria Ma­capagal-Arroyo da­hil naagaw na niya ang pinakamimithing titulo sa House of Represen­ta­tives mula kay Con­gress­man Pantaleon Alvarez bilang Speaker of the House.

Gayonman ay marami ang nagtaka kung bakit lumalabas na minadali ito at itinaon pa sa araw mismo ng pagbibigay ng State of the Nation Address (SONA) ni President Duterte. Pero kahit buo ang paniniwala ni GMA na dumaan siya sa legal na proseso sa unang panunumpa bilang bagong House Speaker bago dumating si Duterte ay inulit pa rin ito kinagabihan.

Hindi maitatanggi na marami ang naguluhan sa ginawang ito ni Arroyo. Pero sa palagay ng iba, ang bawat hakbang ni GMA ay bahagi ng plantsadong balakin na pinag-aralan nang husto bilang paghahanda sa katuparan ng kanyang mga plano na maging Prime Minister sa oras na matuloy ang planong pagpapalit ng gobyerno tungo sa federalismo na sinusuportahan ni Duterte.

Sa nakitang suporta na nakuha ni Arroyo mula sa mga kaalyado niyang kongresista ay kayang-kaya niyang maisakatuparan ang hangaring ito kung magkakaroon ng ganitong puwesto sa maaaprobahang federalismo.

Kapag naging Prime Minister si Arroyo ay parang nakabalik siya sa tuktok ng kapangyarihan dito sa bansa at puwede pa siyang manatili sa puwesto nang kahit gaano katagal hangga’t patuloy siyang ibinoboto ng mga kaalyado niyang kongresista. Alam naman natin na ang alin mang grupo na may pinakamaraming bilang ang laging nagwawagi sa Kongreso na palagiang numbers game ang batayan.

Sang-ayon man tayo o hindi ay hindi natin masisisi ang sino man kung magduda man sila kay GMA. Ayos lang sana ang lahat kung naging malinis at walang bahid-dungis ang pamumuno ni Arroyo noong siya ang Pangulo.

Pero hanggang ngayon ay sariwa pa sa isi­pan ng marami ang mga kapalpakan at kalokohan na kinasangkutan noon ni GMA at nangangamba sila sa posibilidad na maulit ang mga ito, lalo na ang pandaraya sa halalan. Pero kung hawak na ni Arroyo ang karamihan ng kongresista na kanya na palang kaalyado ay hindi na kakailanganing magkaroon pa ng dayaan dahil puwede na siyang manatli sa puwesto nang tuluy-tuloy.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *