Tuesday , December 24 2024

Occ Mindoro nagdeklara ng state of calamity

NAGDEKLARA ng state of calamity ang lalawigan ng Occidental Mindoro nitong Lunes dahil sa patuloy na pagbaha dulot ng mga pag-ulan dala ng habagat.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), sanhi ng matinding pagbaha ang pag-apaw ng mga ilog sa lalawigan dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Linggo ng gabi ay pinalikas sa evacuation centers ang mga residen­teng naninirahan sa mga nalubog na lugar.

Patuloy pang nanga­ngalap ng datos ang PDRRMO sa bilang ng mga lumikas, at halaga ng mga napinsalang pananim at ari-arian.

Inamin ng PDRMMO na nahihirapan silang maihatid sa mga bayan-bayan ang karagdagang tulong dahil sa mga kal­sadang binaha at hindi madaanan.

Kabilang sa mga lugar na nalubog sa baha ang National Road sa bayan ng San Jose.

Habang mistulang ilog ang mga palayan sa Brgy. Tangkalan sa bayan ng Mamburao. Halos lampas-bahay ang baha sa Brgy. Tayamaan, Mam­burao.

Bunsod umano ito ng nasirang dike sa lugar na malapit sa Mamburao River. Nalubog din sa baha ang municipal hall com­pound ng bayan ng Sa­blayan.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *