Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alvarez sinibak sa kudeta ni GMA

PINATALSIK si Rep. Pantaleon Alvarez ng Davao del Norte sa pagka-speaker ng Kamara kahapon sa isang kudeta na nagluklok kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, ilang minuto bago dumating si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi, umano, naka-obra ang gimik ng grupo ni Alvarez na manatili sa puwesto sa pag-adjourn ng session nang mag-anunsiyo si Deputy Speaker Ro­lando An­daya na may­roon nang mahigit sa 141 mam­babatas na sang-ayon sa pagluklok kay Arroyo sa puwesto ng speaker.

Nawala ang audio sa session hall habang nagsasalita si Andaya.

Samantala, suma­lubong si Alvarez kay Duterte sa helipad sa likod ng main building ng Kamara, pinanumpa na si Arroyo ng mga kongre­sista sa tulong nila An­daya at Deputy Speaker Fredenil Castro.

Sa monitor sa loob ng session hall, nakita na si Arroyo ay lumabas pa­punta sa likod ng session hall patungo sa opisina ng Presidential Legislative Liason Office na kinaro­roonan nina Duterte at ni Alvarez.

Hangang sa mga san­daling (4:36pm) isinu­sulat ang balitang ito, hindi pa nakapagsasalita si Duterte sa harap ng joint session ng lehis­tra­tura.

Ayon sa Tindig Pili­pinas, ang insidente ay nagpakita ng pagkawala ng pamumuno ni Duter­te. Nagta­trai­do­ran, u­ma­no, ang mga sup­porter ni Duterte.

Mag-a-alas 5:00 ng hapon na, hindi pa nag-umpisa ang SONA. Ang sabi ng sources sa Kama­ra, nag-uusap pa sina Duterte, Arroyo at Alva­rez.

Hindi rin makita ang “mace,” ang simbolo ng awtoridad ng Kamara at ng Speaker.

Sa huling ulat, uma­bot sa 184 mambabatas ang sumuporta kay GMA pero kailangan umano itong i-formalize ngayon o sa mga susu­nod na araw kaya si Al­varez ang nakaupo sa podium ka­sama ni Senate President Tito Sotto.

Hindi na puwedeng iluklok sa pagka-speaker kahapon si GMA dahil mag-a-adjourn agad pag­katapos ng SONA.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …