Saturday , November 16 2024

‘Batikos’ kay Duterte handa na

HABANG kasado na ang mga kongresista para pumalakpak sa mga sasabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kan­yang pangatlong State of the Nation, nakahanda na rin ang  “cause-oriented groups” na bu­matikos sa mga kapal­pakan ng pangulo at ng kanyang gobyerno.

Pangunahing baba­tikusin ng mga grupo ang tangkang pag-amyenda sa Konstitusyon sa isang United People’s SONA sa labas ng St. Peter’s Church sa Common­wealth Avenue.

Magmamartsa ang mga grupo mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila patungong St. Peter’s Church, 2:00 ng hapon.

Sasama sa pagkilos ang Bagong Alyansang Makabayan, Tindig Pili­pinas, Laban ng Masa at mga organisasyon na may kaugnayan sa sim­bahan.

Ang Kamara ay nakahanda nang tala­kayin ang “draft federal cons­titution” na isinu­mite ng Consultative Committee kay Speaker Pantaleon Alvarez na nangakong tatapusin ito sa anim na buwan kapalit ang pagbinbin sa eleksiyon sa 2019.

Ayon kay Southern Leyte Rep. Roger Merca­do, pinuno ng Committee on Constitutional Amend­ments ng Kamara, sa Miyerkoles na sila mag-uumpisa ng hearing sa Cha-cha.

“Agad naming tatala­kayin ang mga reko­mendasyon ng Con­sultative Committee. Kung maaari sa Miyerko­les na. ‘Yan ang mandato ng komite namin,” ani Mercado.

Ani Alvarez puwe­deng tumagal nang anim na buwan ang pagpasa ng Cha-cha.

“Puwede pong [tu­ma­gal]. Kasi depende nga ‘yun kung magkasundo or hindi magkasundo, hindi ba? Mapagde-de­batehang mabuti iyan. At pagkatapos niyan, bago mo isalang sa taong-ba­yan iyan, may require­ment pa rin, ‘yung massive information drive. We have to educate the people, hindi ba, kung ano itong isasalang sa plebisito,” ani Alvarez.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *