BILANG karagdagang serbisyo sa mga dumarating at umaalis na travelers sa airports ay may bagong mga arrival and departure cards na ipamimigay sa kanila.
Ayon sa report ni Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner and Ports Operations Division Chief Marc Red Mariñas kay BI-Commissioner Jaime Morente, nag-umpisa ang distribution ng mga bagong travel cards sa mga airlines nitong 1 Hulyo 2018.
Layon nito na pag-ibayohin sa proyektong ito ang masusing pagkalap ng mga impormasyon sa mga biyahero upang mapanatili ang maayos na seguridad ng pasahero pati na ng ating bansa.
Sa bagong travel cards ay kinakailangan isulat ang kompletong detalye ng isang pasahero, bukod sa kanilang pangalan ay mayroon din date of birth, nationality, passport number, destination, flight or voyage number, occupation, purpose of travel and port of exit and destination.
Kinakailangan din nilang pirmahan ang mga detalyeng isinulat bilang tanda ng kanilang patotoo sa lahat ng impormasyon na kanilang isiniwalat.
“These improvements will have a big impact in the border management efforts of the Bureau,” ayon kay Morente.
“The information that we collect in our arrival and departure cards is vital in improving our alien monitoring and mapping, as well as gathering added information to ensure our departing kababayans’ safety,” dagdag niya.
Ang mga bagong travel cards ay ipamamahagi sa lahat ng international airports and seaports sa buong bansa.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap