Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Ex-chairman na lider ng drug syndicate arestado

MAKARAAN ang mahi­git apat na taong pagtata­go, ang 72-anyos lolo na dating barangay chair­man at tinaguriang lider ng bigtime drug syndicate sa Region 1, ay nadakip sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi.

Nasakote nang pinag­sanib na puwersa ng mga tauhan ng Caloocan Police Intelligence Unit, Police Regional Office (PRO) 1 Intelligence Division, Provincial Drug Enforcement Unit ng Ilocos Sur, at Santiago Police Station, ang suspek na si Renato Tengsico alyas Atong, dating bara­ngay chairman sa Pobla­cion Norte, Santiago, Ilocos Sur, dakong 9:30 pm sa Unit 1 Caldino Aparments, Block 1, Lot 28, Shelterville, Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City.

Ang akusado ay na­sentensiyahan kama­kailan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kasong illegal drug trade sa ilalim ng RA 9165 o Com­pre­hensive Dangerous Drug Act of 2002, ng Regional Trial Court (RTC) ng Ilocos Sur dahil sa pagiging lider ng bigtime na Tengsico-Cabreros drug group na umano’y nagpapakalat ng ilegal na droga sa 2nd District ng Ilocos Sur.

Ayon kay Caloocan police Intelligence Unit head, C/Insp. Jonathan Olvena, si Tengsico ay dating nadakip sa Ilocos Sur noong 2014 dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga ngunit nakapag­piyansa para sa kanyang pansamantalang kalaya­an.

Gayonman, nagpatu­loy ang paglilitis hang­gang masentensiyahan siya ng habambuhay na pagkabilanggo at nagla­bas ng warrant of arrest si Judge Sixto Diompoc ng Branch 72 ng Narvacan Ilocos Sur RTC, laban kay Tengsico.

Natunton ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division ng PRO 1 ang pinagta­tagu­an ni Tengsico kaya agad silang nakipag-ugnayan sa Caloocan Police Intel­ligence Branch, na nagre­sulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober kay Tengsico ang apat sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang P20,000 ang street value.

(ROMMEL SALES)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …