Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

People’s initiative kung ayaw sa Chacha — Alvarez

NAGBABALA si House Speaker Pantaleon Alva­rez na kung patuloy na haharangin ng mga Sena­dor ang Chacha, itutulak aniya ang People’s Initia­tive para sa pag-amyenda ng Saligang Batas at ng porma ng gobyerno.

Ani Alvarez dapat nang magdesisyon ang Kamara at Senado kung ipagpapaliban ang eleksiyon sa Oktubre sa susunod na taon dahil mahirap umano kapag inabutan ng paghahain ng certificates of candidacy.

Giit ni Alvarez, kaila­ngan ipagpaliban ang eleksiyon para magpag­tu­onan ng pansin ng mga mambabatas ang chacha na magtutulak sa fede­ralismo.

“Bago mag-file ng certificate of candidacy,” ani Alvarez sa pagpa­liwanag ng kanyang po­sisyon.

Sa panig ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu nakapag-file na siya ng bill tungkol sa magsulong ng People’s Initiative.

Ani Abu, ang Repu­blic Act (RA) No. 6735 o ang “Initiative and Referendum Act through People’s Initiative” ay isang batas na magbi­bi­gay ng paraan sa tao para makapagdirekta ng am­yenda sa saligang ba­tas.

Importante aniya ang karapatan ng tao na mag­pa­sok ng mga pagba­bago sa Konstitusyon.

Patuloy ang babala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na ang mahihirap ng rehiyon ay lalong maghihirap sa ilalim ng federalismo.

“Ang (mga) mahihi­rap na probinsiya at rehiyon ay lalong maiiwan at maghihirap sa fede­ralismo,” ani Alejano.

Para kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang nagtutulak ng Cha-cha ay desperado na.

“Tingin namin ito ay pinaka-desperate move ng liderato ng Kamara dahil ‘di ba nga sa survey 67% ang ayaw sa fede­ralismo at 64% sa Cha-cha bakit hindi nila pakinggan ang taong-bayan at hindi nila asikasohin muna ang mga tunay na problema para tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan,” ani Castro.

“Sobrang self serving ng pahayag na ‘yun na mag-people’s initiative lalo pa’t popondohan ‘yun. Magkano ‘yung ipopondo para doon samantala hindi nila ‘yun magamit para sa ating mga kababayan na nahi­hi­rapan ngayon.  Hindi ibigay ‘yung pondo na ‘yun, ‘yung gastos na ‘yun,” ani Brosas.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …