Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OT pay ng BI employees tinapyasan ng Palasyo

MAHIGIT isang taon ang makalipas matapos ipa­ngako ni Pangulong Ro­drigo Duterte na tutugu­nan ang problema sa overtime pay ng mga immigration officer sa airport, inilabas ng Palasyo ang Memoran­dum Order No. 24 para sa implementing guide­lines nito.

Batay sa MO 24, natapyasan ang OT pay ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa dati nilang kinikita.

Nakasaad sa memo order na nilagdaan noong 13 Hulyo, kukunin sa mga makokolektang express lane fees and charges ang pondo para sa overtime pay ng BI personnel.

Sa bawat P100 makokolekta, P64 ay para sa OT pay ng mga regular o organic person­nel, P25 ay para sa mga contractual employ­ees, habang ang nalalabing P11 ay mapupunta sa national treasury bilang income sa general fund.

Madalas humahaba ang pila sa mga immi­gration counter sa airport dahil iilan lang ang naka-duty na immigration officer dahil sa hindi nababayarang overtime pay.

Matatandaan, ipinati­gil ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pagbabayad sa OT pay ng mga kawani ng BI mula sa express lane fund noong Abril 2017 dahil ugat umano ito ng korupsiyon.

Nagkaroon nang malawakang pagbibitiw ng mga empleyado sa BI bunsod ng naging desis­yon ni Diokno dahil ku­lang ang kanilang sahod kung wala ang OT pay.

Noong Disyembre 2017 ay pinayagan ni Pangulong Duterte na gamitin ang kita mula sa express lane fees upang ipambayad sa sahod at overtime pay ng mga empleyado ng BI sa 2018 hangga’t hindi pa naisasabatas ang bagong Immigration Modernization  Law.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …