Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Peace talks sa NPA, hindi kay Joma

TAMA ang desisyon ni Pangulong Rodrigo “Digong”  Duterte na ipatupad na lamang ang localized peace talks sa mga rebeldeng komunista imbes makipag-usap pa sa grupo ni Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Walang saysay na makipag-usap ang pamahalaan kay Joma dahil hindi naman talaga nila intensiyon na makamit ang isang tunay na kapayapaan at solusyon na magbibigay-daan para tapusin ang kanilang armadong pakikibaka.

Taktika lamang ni Joma ang peace talks para higit na makakilos ang kanyang grupo at magkaroon pa siya ng silbi bilang lider ng CPP. Sa mahabang taong paninirahan sa The Netherlands, wala na sa realidad itong si Joma at hindi na niya kapado ang tunay na kalagayan ng Filipinas.

Sa ngayon, maraming grupo ng NPA ang hindi na sinusunod ang direktiba ni Joma. Ang sinasabing “central command” ng CPP ay halos wala nang silbi sa maraming pulang mandirigma.

Maraming ‘puna’ ang ipinaabot ng mga lokal na lider ng NPA sa pamunuan ng CPP pero hanggang ngayon wala pang nakukuhang sagot mula kay Joma. At habang nagpapasarap sa buhay ang grupo ni Joma sa ibang bansa, maraming NPA ang nagugutom at namamatay sa pakikipagdigma.

Kaya nga, napapanahon nang ipatupad ang lokal na usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng NPA sa mga kanayunan. Sa halip kasing masentro sa grupo ni Joma, higit na magiging makabuluhan ang peace talks kung mismong sa mga lalawigan ito gagawin.

Wala rin katotohahan ang pahayag ng grupo ni Joma na pagkakaperahan lang ng mga taong gobyerno ang local peace talks dahil kung tutuusin, si Joma na ang naunang kumita sa ngalan ng rebolusyon nang halagang P1.2 million.

Natatakot si Joma na humarap ang mga lider ng NPA sa peace talks dahil maiiwan na sila at tuluyan silang mawawalan ng silbi sa kilusan sa sandaling matuloy ang local na usapang pangkapayapaan. Bakit, ang grupo lang ba ni Joma ang may kakayanan humarap sa negotiating table?

Kaya nga, asahang iintrigahin na naman ni Joma ang grupo ng NPA na makikipag-usap sa pamahalaan. Kung ano-ano na namang paratang at akusasyon ang gagawin ni Joma para sirain ang kredibilidad ng NPA.

Sa mga ‘kasama’ namang bulag na sumusu­nod kay Joma, mag-isip naman kayo. Maging kritikal at balikan ang kasaysayan. Ano ang mga pagkakamaling ginawa ni Joma at ilan ang ipinapatay niyang mga kasapi ng kilusan na inosente at walang kasalanan.

Maraming dapat panagutan si Joma bilang pinuno ng CPP.  Humihingi ng hustisya hanggang ngayon ang mga naiwang pamilya ng mga pinatay na kasama nang walang kalaban-laban.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *