Tuesday , December 24 2024

Trillanes tinanggalan ng police escort

ANG pansamantalang pag-alis ng police security escort kay Senador Antonio Trillanes IV, ay bahagi ng “com­prehen­sive review” sa deploy­ment ng mga pulis, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.

Sinabi ni Trillanes, binawi ng PNP at military ang kanyang security escorts sa pagtatapos nitong Hunyo, at hindi siya binigyan ng Senado ng ano mang security detail.

Ayon sa PNP, inire-review nila ang lahat ng protective security per­sonnel sa ilalim ng Police Security and Protection Group (PSPG) na ipinag­kakaloob sa lahat ng kwalipikadong VIP kabi­lang ang halal at itina­lagang opisyal ganoon din sa mga pribadong indi­bidwal.

Ang hakbang ay alin­sunod sa planong imaksi­misa ang paggamit ng human resources. Isasa­alang-alang din ang specific security needs ng key officials at private citizens, ayon sa police force.

Dagdag ng PNP, “the review also part of PNP’s proactive measures to ensure police personnel will not be, wittingly or unwittingly, used by their VIPs for economic or political reasons especial­ly as we approach the election season.”

Iniutos ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde sa PSPG na pansamantalang pagka­looban si Trillanes ng dalawang security per­son­nel habang hindi pa lumalabas ang resulta ng comprehensive review.

Ibinunyag ng oppo­sition senator ang hinggil sa pagbawi sa kanyang police security detail makaraan iulat ng isang netizen na ang police escort ng napas­lang na si Tanauan City Mayor Antonio Halili, ay inalis bago siya napatay.

Ang security detail ni Halili mula sa PNP ay binawi noong 2017.

Ang alkalde, kilala sa pag-uutos sa pagparada sa hinihinalang mga kriminal, ay binaril at napatay habang may flag ceremony sa kanyang lungsod.

Kabilang siya sa ilang alkalde at bise alkalde na napaslang sa panahon ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duter­te.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *