Sunday , December 22 2024

Kongresista natuwa sa panalo ni Pacman

READ: Matthysse, pinaluhod sa 7th round: Pacquiao kampeon na naman

READ: Panalo ni Pacquiao tagumpay ng sambayanan — Duterte

NAGPAHAYAG ng ka­tu­waan ang mga kongre­sista kay Manny “Pac­man” Pacquiao sa pagkapanalo niya sa laban kay Lucas Mat­thysse, taga Argentina.

Pinabagsak ni Pacman  si Matthysse sa ika-7 round para sung­kitin ang  korona ng WBA World Welterweight sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur kahapon.

Ayon kay House Deputy Speaker Rep. Raneo Abu ng Batangas ang pagkapanalo ni Pacman ay nagbibigay ng patuloy na inspirasyon sa kabataang Filipino sa panahon na kailangan ito.

“Si Sen. Manny ay patuloy na nagbibigay ng karangalan at pagma­malaki sa ating bansa. Salamat,” ani Abu.

“Ipinakita na naman ni Pacquiao sa buong mundo na kayang luma­ban ng Filipino sa pina­kamahusay na antas kahit saang dako ng mundo,” dagdag ni Abu.

Para kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, ang pagkapanalo ni Pacman ay nagbigay ng kasiyahan sa mga Filipino.

“I am very proud as a colleague and a Filipino. Sen. Pacquiao brings happiness to us once again,” ani Vargas.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barber inasahan na niya ang pagkapanalo ni Pacman.

“Magpasalamat tayo sa panibagong dangal na ibinigay niya sa mga Filipino,” pahayag ni Barbers.

Si Rep. Sherwin Tugna ng party-list Citizens Battle Against Cor­ruption, “si Pacman ang salamin ng buhay nating mga Filipino. Maraming, maraming salamat Pac­man sa regalo mong simbolo ng pag-asa sa aming mga Filipino.”

“Malaking morale booster ito sa atin lahat,” ani Ben Evardone ng  Eastern Samar.

Kay Davao City Rep. Karlo Nograles, hindi kinaya ng isang bata at malakas na boxer ang bilis ng kilos ni Pacman.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *