Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Jun Lana, bilib kay Sue Ramirez!

IPINAHAYAG ni Direk Jun Lana ang pagkabilib kay Sue Rami­rez, lead actress sa peliku­lang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi na siya ang nagsulat at nagdirek. Ito’y entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 ng FDCP na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide.

“Napakagaling na artista, eversince napanood ko ‘yung performance niya sa isang pelikulang line-produced namin, ‘yung The Debutants, sinabi ko kay Perci na I wanna work with this girl. And noong ginagawa ko ‘yung Ang Babaeng Allergic Sa WiFi, siya talaga ang nasa isip ko. Dahil alam kong maibibigay niya ‘yung complexity ng role na hinihingi at hindi niya ako binigo, napakagaling na bata.

“Wala akong naging problema sa kanya, napaka-grounded niya kasi e and I hope she remains that way. She makes fun of herself and kahit sino kinakausap niya, kahit ‘yung pinakamaliit na miyembro ng crew… napaka-humble na bata,” pahayag ni Direk Jun.

Pahabol pa niya, “Perfect siya sa role and I think when people watch the movie, makikita nila kung gaano talaga kagaling si Sue. Marami pa siyang puwedeng gawing role, hindi lang ito. And I really wanna work with her sa mga susunod ko pang project.”

Ipinahayag din ni Direk Jun ang kagalakan sa pagkakasali sa PPP. “Tuwang-tuwa kami dahil unang-una, plano talaga namin, ginawa talaga namin ‘tong pelikula para sa Pista ng Pelikulang Pilipino dahil maayos at maganda ‘yung experience namin noong nakaraang taon, and I really wanted to be part of the festival again. And I felt na we had the perfect material for PPP, kasi PPP is commercial but at the same time mayroong edge, may kakaiba sa materials na ipinalalabas sa kanya.”

Ang “Ang Babaeng Allergic Sa WiFi” ay mula sa Cignal Entertainment, Octobertrain Films, at The IdeaFirst Company. Tampok din dito sina Angellie Nicholle Sanoy, Yayo Aguila, Ms. Boots Anson Roa, Adrianna So, at Markus Paterson.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …