Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay Mikay, may bagong endorsements at teleserye!

SUPER-HATAW ang career ngayon ng talented na mga batang sina Kikay Mikay. Nadagdagan na naman kasi sila ng endorsements, bukod pa rito, kasali rin sila sa bagong telese­ryeng The Prodigal Prince sa Net 25.

Sa pagpirma ng dalawang bagets sa Erase bilang endor­sers ng Erase whitening lotion for kids at Erase scent perfume, nakapanayam namin sila pati na sina Mr. Louie Gamboa CEO/President ng Erase at Ms. Yveth Padua. Sobrang happy nga nina Kikay Mikay sa kanilang bagong endorsements.

“Siyempre po sobrang thank­ful po kami kay Sir Louie dahil binig­yan kami ng op­portunity na ma­ging endorser ng products nila,” pa­ha­yag ni Mikay. Wika naman ni Kikay, “Super-saya ko po at nagpa­pasalamat ako kay God at kay Sir Louie. Tamang-tama po ito sa mga girls, lalo na at start na ng pasukan.”

Ipinaliwanag ni Mr. Louie ang rason ng pagkuha sa dalawang ba­gets. “Hindi naman kaila sa inyo na parang adbokasiya na namin ang tumulong sa mga nagsisimula, lalo sa mga bata. Kinuha namin sina Kikay and Mikay dahil naniniwala kami sa talento nilang dalawa. Ang Erase kasi mahilig tumulong sa mga baguhan, ‘pag lumapit sa amin at alam naman namin na worth it na tulungan, ginagawa naming ambassador like Kikay and Mikay.

“Nakita ko naman na nang kinuha namin sila, magaling sila at nakita ko ang potentials nila. Ang mga batang ito hindi lang sila magaganda, usong-uso ang itsura nila, parang K-Pop. And I believe na kung maaalagaan nang husto, mabibigyan ng tamang direksiyon, madidisiplina, palagay ko ay malayo ang mararating ng mga bata.”

Ayon naman kay Ms. Yveth, “Katulad ng sinabi ni Sir Louie kanina na talagang we’re supporting ang mga talented na kabataan, so, may programs kaming nakalatag for them. Sa coming days may campaign kami for their particular products, may mga tarpaulin… Kung may mga events sila like sa school, puwede silang mag-request sa amin ng support dahil dala nila ang pangalan namin.”

Bukod sa Erase, bagong endorsers din sina Kikay Mikay ng H&H Make­over Salon. Na­una rito, kinuha silang endorsers din ng Skin Light Baby Soap at Famous Belgian Waffle. Mapa­panood din sila Bee Happy Go Lucky, sa Ppop /Internet Heart­throbs Tour sa July 22 sa Shopalooza Bazaar, Ri­verbanks Mari­kina at sa August 10 naman, sa UP Theater ang premiere night ng movie ni­lang Unang Yugto ni direk Moises Lapid. Abangan din sina Kikay Mikay sa peliku­lang Susi ni direk Baui Arthur.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …