Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malate police station isinara

INIHAYAG ng mga awtoridad nitong Huwebes ang pagsasara sa Manila Police District Station 9 habang nagsasagawa ng general cleaning sa buong pasilidad.

Ayon sa ulat, tumu­long ang mga doktor mula sa MPD headquarters sa medical check-ups ng mga preso sa nasabing clean-up operation.

Hinigpitan ang seguri­dad para mapigilan ang mga preso sa tangkang pagtakas.

Inilinaw ng police station na ang paglilinis ay matagal nang itinakda para isagawa nitong Hu­we­bes.

Isinagawa ang gene­ral cleaning ilang araw makaraan ang pagka­matay ng isang preso na na-diagnose na may necrotizing fasciitis o flesh-eating disease.

Gayonman, ang dahilan ng pagkamatay ay hindi pa tinutukoy.

Ang preso ay dating nakapiit sa Station 9 bago siya inilipat sa Manila City Jail, tatlong araw bago siya binawian ng buhay.

Nitong Martes, ang ika­pitong preso na natuk­lasang may severe skin disease ay isinugod sa Philippine General Hospi­tal.

Sinabi ng Station 9 police, hindi dapat sabi­hing ang flesh-eating bacteria ay nakuha ng biktimang namatay, mu­la sa kanilang pasili­dad.

Sa isinagawang medi­cal check-ups ay nabatid na walang ano mang seryosong skin diseases ang female inmates.

Gayonman, ilan sa kalalakihang preso ay dinapuan ng pigsa.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …