Sunday , December 22 2024

Lamat sa Federal Constitution ibinunyag

NAGLALABASAN na ang mga lamat sa isinu­sulong na Federal Con­stitution.

Inihalintulad ni Ak­bayan Rep. Tom Villarin ang tungga nito sa isang hunyango na nagpapalit-palit ng kulay at anyo depende kung kanino ito iniharap.

Ang tunay na layunin umano nito ay nakatago sa likod ng pangako na ito’y magpapaganda sa buhay ng bawat Filipino.

“Pero ang katoto­hanan, ito’y isang malak­ing panloloko,” ani Villa­rin. Ang malinaw aniya, ang ‘frokis’ ng bagong Constitution ay dadaan sa pag-amyenda ng Sali­gang Batas upang maging totoo.

Ang “draft federal charter” ani Villarin, ay magbibigay sa Pangulo nang malawak na poder at oportunidad na tumakbo sa pangalawang pagka­ka­taon sa eleksiyon sa ilalim ng bagong gobyer­nong Federal.

Binanggit din ni Villarin na si Pangulong Rodrigo Duterte ay sigu­radong magkakaroon ng mahigpit na kontrol sa “Federal Transition Commission” bilang chairman nito.

Sa kabila ng ipinapa­labas na ang poder ng Federal government ay mahahati sa mga Federal States, ang katotohanan, aniya, nasa Malacañang ang malawakang poder na si Duterte ang may kapangyarihang mag- appoint ng mga tao sa gobyerno, magtakda ng budget, mangutang at gumastos nito.

Sa panig ni Magdalo Rep. Gary Alejano, mali­naw na sobra-sobrang poder ang mahahawakan ni Duterte bilang ulo ng Federal Transition Com­mission.

Sa nakikita sa Duterte administration ‘unqua­lified appointees’ sa gob­yerno, nakatatakot, uma­no ang panukalang ito.

Isa sa mga probisyon sa panukala ay pag-uutos sa  Federal States na gumawa ng plano sa pagbubuwis.

“‘Di ba dapat napag-aralan na ito nang husto kung magkano ang mapupunta sa kanila at kung ano pa ang ibang pagkukuhaan ng pondo? Ang tanong kasi ng karamihang local leaders:  “Madadagdagan ba o mababawasan ang kani­lang pondo?” tanong ni Alejano.

Ayon sa isang blog ni Raissa Robles, ang Section 4 ng Article XX; at ang Sections 1 at 2 ng Article XXII ng Transitory Provi­sions ay nakababahala.

Ang Section 4 aniya ay nagbibigay sa pangulo nang malawakang poder para gumawa ng lahat ng klaseng paraan para supilin ang tangkang babuyin ang soberanya ng bansa, ang teritoryo, ang ekonomiya at ang pag­kabuo ng Federal Republic sa pagkakataon na hindi ito magawa ng Federal State.

Ani Robles maliit na pagkakamali ng Federal State ay puwedeng mag-udyok kay Duterte na magdeklara ng Martial Law.  (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *