Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Kapogian’ ni Digong bumulusok na

PAWALA na ang pag­kapogi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino batay sa resulta ng pi­na­kahuling survey ng Social Weather Stations.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, 11 puntos ang ibinaba ng grado ni Digong sa buong bansa sanhi ng pagmumura niya sa Diyos, ang pagbagsak ng ekonomiya at ang patuloy na patayan.

Reaksiyon umano ito ng “Christian groups” na tumayo para ipagtanggol ang kani­lang pana­nampalataya at hindi mula sa nga lider ng simbahan na takot kay Duterte.

Sinabi ni Villarin, sa Luzon kasama ang Metro Manila, ang base ng pinakamalaking bo­tan­te, bagsak nang 20 puntos si Duterte.

Sa Visayas at Minda­nao umano bagsak din ang pangulo ng 16 at 6 na puntos sa lahat ng “age groups” maliban sa mga kabataan.

Nagbabadya umano ito ng pagbagsak ng gobyernong Duterte.

“Duterte has fallen. It’s an ominous sign that will cause a political fallout,” ani Villarin.

Hindi, aniya, na-distract ang mga Filipino sa kabila ng malawakang “fake news” na ikinakalat ng administrasyon.

Ang ‘perception game’ na ipinapairal uma­no sa “well-oiled social media machinery” at ang libo-libong pondo ng gobyerno na ginagamit para maghasik ng “fake news” ay hindi umobra.

Hindi rin umano tumupad si Duterte sa mga pangako na tapu­sin na ang con­tract­ualization, ang pagtaas ng sahod ng mga “non-military work­ers” at ang patuloy na pagtaas ng mga pa­ngu­­nahing bili­hin kaga­ya ng bigas, gasolina at iba pang bilihin.

Nasa krisis na ang eko­nomiya sanhi ng pa­tu­­loy na pagtaas ng infla­tion, ang pagbagsak ng pamumuhunan, at ang pagbagsak ng hala­ga ng piso.

Pinuna rin ni Villarin ang tangkang pag-utang ng P1.19-trilyon sa susunod na taon.

Aniya, senyales ito na bagsak na ang eko­nomiya ng Filipinas.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …