Saturday , April 26 2025

Ipit sa sitwasyon

BATID ng lahat na halos nakabaon pa rin ang puwersa ng buong Philippine National Police (PNP) sa kontrobersiya at kahihiyan bunga ng kapalpakan na nagawa ng ilang bugok nilang kabaro.

Halos araw-araw ay may nauulat na pulis o kanilang opisyal na sangkot sa krimen tulad ng pagkakadawit sa ilegal na droga, pangongotong, panggagahasa o paggawa ng kalaswaan at iba pa. Hindi na rin mabilang ang mga pagkakataon na nakapatay ang pulis sa katuwirang nanlaban ang kanyang hinuhuli o kaya ay nang-agaw umano ng baril.

Alalahanin na tungkulin ng pulis na magpatupad ng batas at manghuli ng suspek na naaktohan niya sa paggawa ng krimen. Pero ang uniporme niya at tsapa ay hindi nagbibigay ng lisensiya para kumitil ng buhay lalo ng mga inosente.

Maaalalang isa sa mga pangako na binitiwan ni President Duterte habang nangangampanya ay wawakasan niya ang ilegal na droga sa loob daw ng tatlo hanggang anim na buwan. Pero dalawang taon na siya sa puwesto at libo-libong suspek na ang namatay pero nariyan pa rin ang ipinagba­bawal na gamot.

Nangako rin siya na tatapusin ang ilegal na sugal pero alam nating lahat na hanggang ngayon ay namamayagpag ang jueteng sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nagmungkahi ang Pangulo kamakailan sa pulisya na luwagan ang kampanya laban sa jueteng. Kapag may jueteng ay umiikot daw ang pera kahit na paano. Nag-aalala raw ang Pangulo na kapag nawala ang jueteng ay lalo pang lalala ang problema sa bentahan ng ilegal na droga na gamit ang jueteng operators.

Pumasok si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa eksena at nagbabala sa pulisya laban sa pagsunod sa mga ilegal na kautusan kabilang ang pagtigil ng kampanya sa jueteng. Ang pag­sunod sa ilegal na utos kahit na nagmula sa Pangulo o ibang superiors ay hindi raw magsisilbing sapat na legal na depensa sa korte.

Kung tutuusin ay hindi dapat balewalain ng pulisya ang babala ni Lacson dahil may sapat na kaalaman ito sa kanyang sinasabi. Huwag kalilimutan na dati itong nagsilbi bilang hepe ng buong PNP.

Tandaan na ang pulisya ay may tungkulin na dapat gampanan at ipatupad. Kapag nakakita sila ng gumagawa ng krimen kaugnay man ito ng ilegal na droga, ilegal na sugal, pagnanakaw, pamamaslang o anumang labag sa batas ay dapat nilang hulihin at ikalaboso.

Pero ang tanong, paano kaya nila babalewalain ang utos ng Pangulo na kanilang commander-in-chief kung puwedeng mangahulugan ng pagkakasibak nila sa puwesto?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *