Friday , April 18 2025
congress kamara

BBL ipapasa alinsunod sa konstitusyon — majority leader

IPINANGAKO ng isang lider ng Kamara, ang pag-uusap tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ay hahantong sa isang batas na naaayon sa Konstitusyon.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ang pag-uusap ng Bicameral Conference Committee na kinabi­bilangan ng mga senador at kongresista ay gigi­yahan ng Konstitusyon ng 1987.

Titiyakin, ani­ya, na papasa ito sa pagsusuri ng mga kri­ti­ko.

Bukod kay Fariñas, ang iba pang miyembro ng “Bicam” mula sa Kamara ay sina Reps. Pedro Acharon, Jr. ng South Cotabato; Mauyag Papandayan, Jr. ng Lanao del Sur; Ruby Sahali ng Tawi-Tawi; Bai Sandra Sema ng Maguindanao; Juan Pablo Bondoc ng Pampanga; Arthur De­fensor, Jr. ng Iloilo; Johnny Pimentel ng Surigao del Sur; Eugene Michael de Vera ng ABS party-list; Rodolfo Albano III ng Isabela; Amihilda Sang­copan ng Anak Mindanao party-list; Wilter Wee Palma II ng Zamboanga Sibugay; Celso Lobregat ng Zam­boanga City; Mohamad Khalid Dima­poro ng Lanao de Norte; Romeo Acop ng Antipolo City; Seth Frederick Jalosjos ng Zamboanga del Norte; Shenee Tan ng Kusug Tausug party-list; at Rodante Marcoleta ng SAGIP party-list.

Si Fariñas ay kasama ni Speaker Pantaleon Alvarez’s  bilang autor ng House Bill 6475 na nag­lalayong magtayo ng bagong “autonomous po­litical entity,” na tata­waging “Bangsamoro Autonomous Region (BAR).”

Ang BAR ang papalit sa kasalukuyang Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kabi­lang ang mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi.

Ang House Bill na inihain ni Alvarez at Fariñas ay nagtakda sa Section 4 ng paraan para sumali ang mga karatig bayan ng Bangsamoro sa rehiyon sa pamamagitan ng plebesito na nilagdaan ng sampung porsiyento ng mga botante kada limang taon.

Ang HB 6475 ay nagbibigay din ng “fiscal autonomy” sa Bangsa­moro na ayon sa ibang mga kongresista ay labag sa Konstitu­syon.

Anila, ang poder sa pagbigay ng “fiscal autonomy” ay puwe­deng ibigay ng Saligang Batas at hindi puwedeng sapawan ng isang batas lamang.

Ani Alvarez hayaan na raw ang Supreme Court na magpasya rito.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *