Thursday , April 17 2025

‘Typhoon Maria’ nanatiling malakas

NAPANATILI ng bag­yong Maria ang kanyang puwersa habang papasok sa bansa at nagbabanta nang malakas na buhos ng ulan, ayon sa ulat ng weather bureau, nitong Linggo.

Dakong 10:00  am kahapon, namataan ang bagyong Maria sa 1,820 kilometers east ng Nor­thern Luzon, may lakas ng hangin hanggang 185 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 225 kph, ayon sa PAGASA.

Ang bagyo ay inaa­sahang papasok sa Philip­pine area of responsibility ngayong Lunes ng umaga kung magpapatuloy sa pagkilos sa bilis na 15 kph, pahayag ni PAGASA meteorologist Aldczar Aurelio.

Sinasabing hindi maa­aring tumama sa lupa ang bagyong Maria, ngunit palalakasin nito ang habagat o southwest monsoon, na magdudulot nang malakas na buhos ng ulan sa Luzon at Visayas, ayon kay Aurelio.

Ang habagat ay magdadala ng ocassional heavy rains na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Metro, Manila, Western Visayas, Mimaropa at mga lalawigan ng Bataan, Zambales, Bata­ngas at Cavite, pahayag ng PAGASA.

Habang ang ibang bahagi ng bansa ay maa­aring makaranas din ng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng localized thunderstorms, dagdag ng weather agency.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *