Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 OFWs dinukot sa Iraq, Libya

READ: Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash

READ: Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan

INIULAT ng Department of Foreign Affairs nitong Linggo, humingi sila ng tulong mula sa mga awtoridad ng Iraq at Libya para sa ligtas na pag­pa­palaya sa limang Filipino na dinukot ng armadong kalalakihan sa mag­kahiwalay na insidente.

Kabilang sa mga biktima ang tatlong Filipino technicians na dinukot sa Libya noong Biyernes ng hindi natukoy na grupo mula sa waterworks project, 500 kilometers mula sa Tripoli, ayon sa DFA.

Dinukot din ng mga kidnapper ang isa pang foreign worker at apat Libyans ngunit pinalaya kalaunan.

Samantala, dalawang Filipina ang dinukot ng armadong kalalakihan mula sa kanilang sasak­yan sa highway sa Uzem district sa Iraq.

Ang mga biktima ay patungo sa Baghdad kasama ng dalawang iba pang Filipina, na kalaunan ay nakatakas at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya, ayon sa DFA.

“We are in touch with authorities in Iraq and Libya and have requested their assistance in locating and securing the release of our missing kababayan,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Hindi pa inihahayag ng DFA ang pagkaka­kilanlan ng mga biktima.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …