Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Walk of shame’ mayor itinumba

BINAWIAN ng buhay si Tanauan Mayor Anto­nio Halili ng Bata­ngas, kilalang nagpapagawa ng “walk of shame” sa mga suspek ng krimen maka­raan barilin habang may flag ceremony, nitong Lunes.

Si Halili, iba pang city halls officials at mga empleyado ay umaawit ng pambansang awit sa Tanauan city hall nang makarinig ng isang putok ng baril na ikinataranta ng mga tao, ayon sa ipina­kitang video ng local information office.

Ayon sa pulisya, binaril ng hindi kilalang gunman si Halili sa dib­dib. Ang alkalde ay idi­neklarang dead on arrival sa CP Reyes Medical Center, ayon kay Cala­barzon police director, C/Supt. Edward Carranza.

Ang gunman ay ma­aaring nakaposisyon sa damuhan, 150 ang layo mula sa city hall, ayon kay Carranza.

Agad kinordon ng pulisya ang lahat ng exit points sa village at nag­buo ng special inves­tigative task group para tugisin ang suspek.

Naging laman ng mga pahayagan si Halili noong 2016 dahil sa pagpa­parada sa drug suspects sa publiko.

Gayonman, maging siya ay kabilang sa listahan ng high-value drug targets ng pulisya at naging puntirya ng “Oplan Tokhang.”

Itinanggi ni Halili ang alegasyong sangkot siya sa ilegal na droga.

Noong 2017, nawala ang superbisyon niya sa pulisya, kabilang ang ilang opisyal na inaku­sahan ng pagkakasangkot sa narcotics trade.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …