Friday , November 22 2024

Mayor Halili kaaway ba o kakampi ng droga?

ITINUMBA kahapon ng isang ‘sniper’ si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili habang pinangungunahan niya ang pagtataas ng watawat para sa flag raising ceremony.

Eksakto sa linyang, “ang mamatay nang  dahil sa iyo, tinutop ni Mayor Halili ang kanyang dibdib dahil doon siya sinapol ng bala.

Marami ang nagulat sa pangyayari nang makita nilang agad na natumba ang alkalde.

Magugunitang pumutok ang pangalan ni Mayor Halili dahil sa kanyang walk of shame.

Lahat ng mga tinatawag nilang adik at magnanakaw ay ipinaparada at pinaglalakad niya nang may karatula sa dibdib sa matataong lugar sa lungsod.

Kaya ang sabi, marami ang galit sa kanya.

Maging ang mga pulis nga ay galit kay Halili at pumutok din na siya ay nasa ‘drug watchlist.’

Pero ang sabi ni Yorme, hindi totoo ‘yan. Trabaho lang ‘yan ng mga kalaban niya sa politika.

Ang tanong ng marami ngayon, sino ang ‘tumira’ kay Mayor Halili!?

Sindikato ba ng droga o mga ‘pulis’ na nagsabing siya ay konektado sa ilegal na droga?!

O mga kalaban niya sa politika?!

Nakalulungkot na nagaganap ang ganitong mga pangyayari sa ilalim ng administration ni Pangulobng Digong Duterte.

Nakababahala ang ganitong mga insidente. Parang wala nang tigil ang patayan sa ating bansa.

Kapag nanood at nakinig ka nga ng news sa TV at radio, ang mga balita ganoon pa rin. Walang ipinagbago. Holdapan, patayan at ilegal na droga.

Parang lalong lumalakas pa ang loob ng mga kriminal kahit puro katapangan ang ipinakikita ni Tatay Digong.

Bakit po kaya?

Naumay ba sa katapangan ni Digong ang mga mamamayan o ayaw nang bumilib sa tapang niyang maingay?!

Nagtatanong lang po tayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *