Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bocaue-NLEx SB wide lane isinara

PANSAMANTALANG isinara ang wide vehicle exit lane sa Bocaue Interchange Exit ng North Luzon Express­way (NLEx) para sa regular pavement works, ayon sa NLEX Cor­poration.

Sa pahayag ng korporasyon nitong Huwebes, ang pagku­kumpuni sa nasabing lane na pangunahing ginagamit ng mga truck na lumalabas sa Bocaue, Bulacan ay maglalaan ng “high standard of service over the long term.”

Ang ibang bahagi ng southbound Bocaue Interchange lanes ay mana­natiling bukas. Gayonman, pinapayohan ng NLEx ang truckers at iba pang wide commer­cial vehicles na maghanap ng alternatibong ruta, dahil hindi sila maa-accomodate ng nalalabing exits.

Bukod sa pagkukum­puni ng mga kalsada, magsasagawa rin ang NLEx ng pag-aaspalto ng entry and exit ramps sa northbound at south­bound ng Bocaue exits, mula 10:00 pm hanggang 4:00 pm sa sumusunod na mga petsa: June 25 to July 1: Northbound Exit Ramp; July 2 to 8: Northbound Entry; July 2 to 15: Southbound Entry; July 16 to 26: South­bound Exit Ramp.

Sinabi ng NLEx, asahan ang traffic build-up dahil ang interchange ay naroroon sa lugar isang kilometro bago ang Bocaue Toll Plaza, na ginagamit ng Manila-bound vehicles.

Bilang solusyon, sinabi ng korporasyon na sila ay maglalagay ng warning and road signs at magtatalaga ng traf­fic personnel para mangasiwa sa trapiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …