Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cebu Pac int’l flights inilipat sa MCIA T2

SISIMULAN ng Cebu Pacific Air (PSE: CEB) ang operasyon ng kanilang international flights patungo at mula Cebu, mula sa Mactan-Cebu International Airport Terminal 2 (MCIA T2). Habang ang domestic flights patungo at mula Cebu ay mananatili sa MCIA Terminal 1 (T1).

Sisimulan ng MCIA T2 ang commercial opera­tions dakong  2:00 am sa 1 Hulyo 2018 (Linggo). Lalahok ang CEB sa 21 iba pang carriers na may inter­national flights mula at patungo sa Cebu sa resort-themed passenger terminal.

Hinggil sa transition ng operasyon, ang huling inbound flight na gagamit sa MCIA T1 ay Cebu Pacific flight 5J129 (Incheon-Cebu), na darating dakong 1:40 am sa 1 Hulyo 2018. Ang iba pang flights ay gagamit ng MCIA T2, sa sumu­sunod na schedule: Departures-Route: 5J 5032 ETD: 5:30am – Cebu Narita; 5J 240 ETD: 6:10am – Cebu-Hong Kong; 5J 128 ETD: 3:35pm – Cebu-Incheon; 5J 547 ETD: 7:55pm – Cebu-Singapore.

Arrivals-Route: 5J 548 ETA: 4:15am – Singapore-Cebu; 5J 241 ETA: 12:45pm – Hong Kong-Cebu; 5J 5063 ETA: 405pm – Narita-Cebu.

Maglalaan ng shuttle buses para maihatid ang mga pasahero sa pagitan ng MCIA T1 at T2 kada sampung minuto.

Pagbubutihin ng bagong MICA T2 ang passenger capacity ng Mactan-Cebu Inter­national Airport patungo sa 12.5 milyon pasahero kada taon.

Ang Cebu Pacific ang pinakamalaking carrier na nag-o-operate sa MCIA sa 385 flights kada linggo. Ang Cebu ay isa sa anim CEB hubs sa Filipinas at pinakamalaki makaraan sa Manila hub nito. Mula Cebu, Cebu Pacific ay may direct flights patu­ngo sa Manila, Clark, Davao, Puerto Princesa, General Santos, Iloilo, Cagayan de Oro, Bacolod, Ozamiz, Tacloban, Suri­gao, Butuan, Cami­guin, Siargao, Legaspi, Duma­guete, Tandag, Calbayog, Pagadian, Zamboanga, Dipolog, Incheon, Hong Kong, Narita at Singapore.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …