Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, nag-break-down sa feeling na inabandona ang anak

HINDI napigilan ni Mariel Rodriguez-Padilla na hindi umiyak kahapon sa Magandang Buhay guesting nang ipapanood sa kanya ang video na kumakatok ang anak nila ni Robin Padilla na si Isabella sa kuwarto niya.

Kaya pala sa isang event ay nagsabi si Robin na kapag nagtuloy-tuloy ang hosting job ni Mariel ay gusto muna niyang magpahinga dahil walang makakasama si Isabella sa bahay nila. Hindi naman laging dapat yaya ang kasama ng bagets.

Going back to Mariel ay ang ganda pa ng ngiti niya habang hinihintay  ang video na sinasabi ng isa sa host na si Melai Cantiveros.

At nang mapanood na, ”this was sent to me noong ano (unang araw sa ‘Showtime’), naku naiiyak tuloy ako. Kasi what happened siyempre first day, kasama ko si Isabella together-forever kami since nasa tiyan ko siya (gumaralgal na ang boses).

“Kasi kapag umaga nagigising kami tapos pinapalitan ko siya ng diaper, binibigyan ko siya ng milk, nire-ready ko siya tapos natutulog ako ulit, so, ang alam niya nasa room ako.

“So, noong day na umalis ako for work, nagpadala ng video ang yaya sa akin na kumakatok si Isabella sa door ng bedroom kasi akala niya natutulog lang ako, oh my gosh ang hirap,” tuluyan nang umiyak ang TV host at panay ang pahid ng luha na nagbiro pang, ”sayang ang shimmering (high lighter make-up).”

Sabi pa ni Mariel, ”Iniyakan ko ‘yon. Para akong sira-ulo sa hallway ng ABS-CBN. Nagbi-breakdown ako roon. Umiiyak ako talaga. Kasi siyempre wala siyang kaalam-alam, hindi niya alam na ‘yung mommy niya ay umalis parang iniwan siya, akala inabandonada ‘di ba?

“Tapos noong napanood ko ‘yung video na ‘yun, siyempre ang dami kong feelings so nagpaalam ako kung puwede three times a week na lang ako mag-‘Showtime’ after the video, kasi para talagang nadurog ‘yung puso ko.

“The good thing was the business unit head of ‘Showtime,’ si Ms Merce (Gonzales), matagal ko na siyang kilala, matagal ko na siyang kasama (‘PBB’ days pa) at kilalang-kilala na niya how to handle kasi nanay din siya at alam niya ‘yung nararamdaman ng isang nanay.

“Kaya sabi niya, ‘o gusto mo ba just for today umuwi ka ng maaga pero papasok ka bukas.’ Sabi, ‘hindi Ms Merce tapusin ko today,’ pag-uwi ko naman ng bahay nakita ko na okay si Isabella. Together-forever na ulit kami. Tapos napaliguan ko siya, napatulog ko siya. ‘Yung nakapag-bonding kami ulit. Okay naman pala, kaya naman pala. Kaya tinext ko si Ms Merce na sabi ko, ‘thank you, I’ll see you tomorrow, mahirap talaga,” kuwento ng maybahay ni Binoe.

Nabanggit pa na lahat naman ng ginagawa ni Mariel ay para rin sa future ng anak nila ni Robin.

At mukhang hindi maaga ang call time ng aktor sa Sana Dalawa Ang Puso dahil inabutan sila ni Mariel na magkasama silang mag-ama na nagdo-drawing gamit ang water color.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …