DAHIL sa kaliwa’t kanang award na natanggap ng rapper na si Abra mula sa pelikulang Respeto, inaming sana tuloy-tuloy na ang pag-aartista niya at ang pangarap niya ay scientific o fantasy movie na alam niyang babagay sa kanya.
“Pero bago po ako mag-movie, tapusin ko muna ang album ko, kasi rito ako naka-concentrate ngayon,” pahayag ni Abra nang makatsikahan siya sa nakaraang 41stGaward Urian.
Natanong din si Abra na kung sakaling pipili siya ng leading lady ay, ”si Maja (Salvador) po sana gusto kong makasama, sobrang taas ng energy niyon, masarap katrabaho,” saad ng aktor/rapper.
Okay lang din ba kay Abra na may kissing scene sa pelikula, ”depende po kung sino, ha, ha. Hindi ko alam.”
As of now ay gusto munang tapusin ni Abra ang album niya na marami na siyang utang pagdating sa musika dahil kinulang siya ng oras.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan