Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, na-rape ni Mariel noong Father’s Day; pero ‘di pa payag sundan agad ang panganay

“NI-RAPE ako ng asawa ko,” ito ang natatawang sabi ni Robin Padilla nang tanungin siya kung paano niya isinelebra ang Father’s Day nitong Hunyo 17.

Maghapong kasama nina Robin at Mariel Rodriguez-Padilla ang anak nilang si Maria Isabella para iselebra ang Father’s Day, pero kinagabihan ay solo na ng mag-asawa.

Kuwento ni Robin, ”Siya (Mariel) ang gumastos, Ipinamasahe niya ako, pinalakas muna niya ako tapos pinakain ako kaya mas lalo niya akong pinalakas tapos hayun, happy father’s day na.”

At dahil ‘father’s day’ nga, posibleng masundan ang anak nilang si Isabella.

“Ay hindi, wag, wag muna.  Kawawa naman ‘yung asawa ko kasi hindi madali ‘yung dinaanan niyang pagbubuntis, dalawang taon ‘yun. Isang taon na pag-iiniksiyon ng kung ano-ano tapos nanganak siya, nag-breastfeeding siya tapos natakot ako kasi ang laki-laki (mataba) na niya baka magkasakit siya sa puso, ayoko ng daanan ni Mariel ‘yun,” paliwanag ni Binoe.

Hindi rin papayagan ng actor na mag-artista ang anak nila ni Mariel, ”hindi, farmer ‘yun!

Ngayong sexy na ulit si Mariel, ”ay, juicy siyempre! Very elegant,” natawang sabi ng Sana Dalawa Ang Pusoactor.

Nabanggit din ni Robin na hanggang hosting lang ang puwedeng gawin ni Mariel tulad sa It’s Showtime at Pinoy Big Brother, ”okay sa akin ‘yun, wag lang ang pag-aartista kasi hahanapin siya ng anak namin. Malingat lang ng kaunti, eh, hinahanap na siya ni Isabella. Sa ngayon okay pa kasi naalagaan siya ni mommy April (Yaya) at nina Lolo at Lola (grandparents ni Mariel), pero ‘pag nagtagal, siyempre hahanapin na rin siya.

“Kaya baka ako na ang maiwan muna sa bahay kapag nagtuloy-tuloy siya (Mariel) sa trabaho niya. Mahirap ang walang naiiwang magulang sa bahay. At saka gusto ko na ring magpahinga, sana payagan ako ng manager ko, asan ba si Betchay (Vidanes).”

Usaping Sana Dalawa Ang Puso ay inamin ni Robin na sa tuwing nagpapagupit at nagpapa-ahit siya ng bigote ay pakiramdam niya ay nahuhubaran siya pero wala siyang magawa dahil utos ito ng direktor ng serye nila ninaJodi Sta. Maria at Richard Yap.

“Kapag ginugupitan ako at inaahitan ako, para akong hinuhubaran at nanghihina, totoo naman ‘yun. Eh, okay lang manghina, ‘wag lang manghina sa chicks baka magalit naman si Mariel ha, ha, ha,” tumawang sabi ni Binoe.

Dagdag pa, ”Gusto ko kasi pagtanda ko, mahaba ang buhok ko, mahaba ang bigote ko. Ganoon ang arrive na gusto ko.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …