Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead prison

2 preso namatay sa selda ng QCPD

BUNSOD nang kasiki­pan at sobrang init sa loob ng selda ng Quezon City Police District Novaliches Police Station 4, dalawang preso ang binawian ng buhay, ini­ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), unang namatay si Alex Canono Andaman, 41, hair stylist, at residente sa Ma­xima St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Si Andaman ay na­ku­long dahil kasong pag­labag sa PD1602 (Anti-Illegal Gambling). Siya ay namatay dakong 8:50 am nitong 18 Hunyo habang ginagamot sa Novaliches District Hospital.

Nakitaan ng mga sakit sa balat si Andaman na hinihinalang naging dahilan ng kanyang pag­ka­matay.

Habang binawian ng buhay ang isa pang preso na si Genesis Careboy Agoncillo, 22, kahapon ng madaling-araw.

Si Agoncillo, 22, hel-p­er, at residente ng Area B, Sitio Cabuyao, Brgy. Gu­lod Novaliches, Quezon City, ay nakulong sa ka­song alarm and scandal noong 15 Hunyo 2018.

Sa imbestigasyon, dakong 5:00 am, napan­sin ng presong si Marlon Gantala na nahihirapang huminga si Agoncillo.

Agad ipinagbigay-alam ni Gantala kay PO3 Dennis Saño, duty jail officer, ang insidente kaya isinugod sa No­valiches District Hospital si Agoncillo ngunit idine­klarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Jethiel Fabon.                             (ALMAR DANGUI­LAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …